15/08/2025
Minsan gusto nating tulungan si Lord tuparin ang pangako Niya, kasi feeling natin baka hindi mangyari agad o baka may kailangan tayong idagdag para gumana ang plano. Gaya nina Sarah at Abram, by the world’s standards, tama lang ang ginawa nila. Pero kahit legal o katanggap-tanggap sa mundo, kapag lumabas ka sa plano ng Diyos, hindi lang ikaw ang nasasaktan — pati ibang tao.
Si Hagar, na buntis dahil sa desisyon ni Sarah at Abram, itinaboy at tumakbo palayo. Siguro pakiramdam niya wala na siyang halaga — na isa lang siyang alipin at babae na ginamit. Siguro iniisip niya, “Wala bang nakakakita sa’kin? Wala bang nagmamalasakit?” Pero doon mismo sa disyerto kung saan akala niya nag-iisa siya — nakita siya ng Diyos. Tinawag siya sa kanyang pangalan, kinausap, binalik ang pagkakakilanlan niya, binigyan siya ng direksyon at pangako. Kaya ang tawag niya kay Lord: “EL ROI” or “You are the God who sees”.
Hindi nakabase sa nangyari sa’yo ang pagkakakilanlan mo. Hindi ka lang “broken,” “rejected,” o “hopeless.” Ang identity mo ay kung ano ang sinasabi ng Diyos tungkol sa’yo — anak ka Niya, mahal ka Niya, at may plano Siya para sa’yo.
At kahit nagkamali ka o iniwan ka ng tao, hindi kakanselahin ni Lord ang plano Niya para sa buhay mo. Kung paanong tinupad Niya ang pangako Niya kay Abram at Sarah — kahit pinangunahan nila ang Lord — gano’n din Siya magiging tapat sa’yo. Hindi kailanman hadlang ang nakaraan para pigilan ang Diyos na kumilos sa kasalukuyan at hinaharap mo.
Yung Diyos na nakakita kay Hagar sa disyerto ay Siya rin ang nakakakita sa’yo ngayon. Alam Niya kung saan ka nanggaling, kilala Niya kung anong pinagdaanan mo, naririnig Niya ang iyak mo, at hawak Niya ang future mo. Naririnig ka Niya, minamahal ka Niya, at tatapusin Niya ang sinimulan Niya sa’yo. 🌟
Thank you, Ate Maelyn for remiding us of this last Tuesday in our online life group meeting. Glory to God!