04/03/2026
Sa mainit na pagtanggap nina Governor Aurelio Oyie Matias Umali, Vice Governor Lemon Umali, at PA Atty. Jose Maria Ceasar C. San Pedro, kasama ang Provincial Government of Nueva Ecija, nagpapatuloy ang makabuluhang linggo ng pag-aaral at pagtutulungan sa ilalim ng Green Jobs Initiative of Global Green Growth Institute - GGGI
Ang Biochar Production and Facility Operations Training ay hindi lamang puro lecture. Nakatuon ito sa pagbuo at pag-accredit ng vocational training modules para sa biochar industry, upang mapalakas ang green skills at makalikha ng mas maraming oportunidad sa hanapbuhay para sa mga Pilipino.
Ang programang ito ay pinondohan ng GGGI Philippines and Global Green Growth Institute - GGGI, habang ang training modules ay inihanda ng mga propesor mula sa Bulacan Agricultural State College.
Pinangunahan ang mga sesyon nina: Dr. Joselito Tucit, Engr. Alexis Geronimo, Engr. Marie F. Gatchalian, Engr. Rabroy S. Esmale, Engr. Isabel Samantha C. Belonio, Rodeo Da Jose Nuñez Jr., Engr. Daniel Alexis Belonio, Engr. Angelika Reyes.
Ang pagsasanay ay pinangasiwaan ng Alcom Carbon Markets.
📍 Sierra Madre Suites, Palayan City, Nueva Ecija
📅 March 2–6, 2026
Sama-sama tayong bumubuo ng kasanayan, oportunidad, at mas luntiang kinabukasan para sa ating mga komunidad. 🌾