12/10/2026
CTTO:
๐๐ ๐ช ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด๐๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐๐ฎ ๐ข๐๐ฝ๐ถ๐๐ฎ๐น ๐๐ฎ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐ฑ๐ต
Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy na binibigyan ng kinakailangang tulong at suporta ang apat na Pilipinong kasalukuyang nagpapagaling sa ibat-ibang ospital sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos masugatan sa pag-atake sa King Khalid International Airport noong Sabado, Oktubre 10.
Batay sa ulat ni Labor Attache Dominador Salangga ng Migrant Workers Office (MWO)-Riyadh, tatlo ang kasalukuyang nasa ICU samantalang ang isa pa ay set for di
scharge from the hospital.
Patuloy pa ring minomonitor ng mga team ng MWO at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa Riyadh ang kanilang kalagayan at ng iba pang nasugatan upang magbigay ng karagdagang tulong at suporta alinsunod sa tagubilin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Wala namang naiulat na Pilipinong nasawi kaugnay ng insidente.
Tuloy-tuloy pa rin ang pakikipag-ugnayan ng MWO sa Riyadh sa pangunguna ni Labor Attache Salanga, sa mga lokal na awtoridad at mga ospital sa Riyadh upang alamin kung may iba pang Pilipinong naapektuhan ng pag-atake at matiyak na maibibigay sa kanila ang kinakailangang tulong.
Samantala, pinapayuhan
ang lahat ng OFWs sa Kingdom of Saudi Arabia na:
1. Umiwas sa mga lugar na potential o maaaring tamaan ng atake tulad ng military installations, refinery o mga kahalintulad nito. Kapag nasa airport na lumayo sa mataong lugar;
2. Sundan and anunsiyo ng Embahada, Konsulado at MWOs sa KSA, maging FB pages ng mga sangay ng Saudi government;
3. Sa mga may schedule na pag uwi, tawagan ang inyong airline bago pumunta ng airport, o mag check ng inyong email na ginamit sa pag book, sabihin sa employer na i-check ang emails nila from time to time;
4. Huwag kukuha ng video, o larawan ng anumang pag-atake at huwag mag post sa social media, dahil ito ay mahigpit na ipinagbabawal sa KSA at may karampatang parusa;
Para sa mga nangangailangan ng tulong, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
**RIYADH / CENTRAL REGION**
**Philippine Embassy โ Assistance to Nationals**
๐ +966 56 989 3301
**Migrant Workers Office (MWO) Riyadh**
๐ +966 50 285 0944
โ๏ธ [email protected]
**OWWA Riyadh**
๐ +966 50 285 0944
โ๏ธ [email protected]
**JEDDAH / WESTERN REGION**
**Philippine Consulate General โ Assistance to Nationals**
๐ +966 55 521 9613
๐ +966 55 521 9614
**Migrant Workers Office (MWO) Jeddah**
๐ +966 56 981 9720
โ๏ธ [email protected]
**OWWA Jeddah**
๐ +966 54 473 7797
โ๏ธ [email protected]
**AL KHOBAR / EASTERN REGION**
**Migrant Workers Office (MWO) Al Khobar**
๐ +966 56 232 9926
โ๏ธ [email protected]
**OWWA Al Khobar**
๐ +966 56 232 9926
โ๏ธ [email protected]
# # #
Ctto