15/09/2026
🚨𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 | 𝗦𝗔𝗙𝗘𝗧𝗬 𝗔𝗗𝗩𝗜𝗦𝗢𝗥𝗬
Pinapayuhan ang lahat ng mga Pilipino sa Jeddah, Taif, Yanbu, Abha, Khamis Mushayt, Jizan, Najran, Al Ula, at iba pang lugar na maaaring makatanggap ng babala mula sa National Early Warning Platform ng Saudi Arabia na manatiling kalmado at mahigpit na sundin ang mga tagubilin ng mga awtoridad ng Saudi Arabia.
Kung makatanggap ng emergency warning sa inyong mobile phone:
• Manatili sa loob ng bahay o gusali at pumunta sa ligtas na bahagi nito, hangga’t maaari ay sa kuwartong malayo sa mga bintana.
• Lumayo sa mga bukas na lugar, bintana, salamin, balkonahe, at bubong.
• Kung nasa labas, agad na pumasok sa pinakamalapit na ligtas na gusali o sumilong sa likod ng matibay na harang.
• Iwasang pumunta sa matataong lugar o sa mga lugar na may panganib. Huwag lumabas upang kumuha ng larawan o video.
• Kung nagmamaneho, ligtas na tumabi sa kalsada at lumayo sa mga tulay at matataas na gusali.
• Patuloy na subaybayan at sundin ang mga abiso at tagubilin mula sa mga opisyal na awtoridad.
Para sa emergency, maaaring tumawag sa 911 sa Makkah at Madinah Regions at 998 sa iba pang bahagi ng Kingdom, alinsunod sa advisory ng Saudi Civil Defense.
Hinihikayat ang ating mga kababayan na huwag mag-panic, iwasang magpakalat ng hindi kumpirmadong impormasyon, at umasa lamang sa opisyal na anunsyo ng mga awtoridad.
𝗠𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗲𝗿𝘁𝗼 𝗮𝘁 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻.