08/06/2026
BABALA SA TSUNAMI - MINDANAO COASTAL AREAS ⚠️🌊
Oras: Hunyo 8, 2026 | 7:37 AM
Isang Magnitude 7.0+ na lindol ang tumama sa Sarangani kaninang umaga. INAASAHAN ANG TSUNAMI MULA 7:37 AM hanggang 9:37 AM at "Maaaring Tumagal Pa ng Ilang Oras".
KUNG NASA MGA LUGAR NA ITO KAYO, LUMIKAS NA AGAD:
Sarangani, Davao Occidental, Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Sultan Kudarat, South Cotabato.
MGA DAPAT GAWIN PARA MALIGTAS:
1. PUMUNTA AGAD SA MATAAS NA LUGAR — Huwag nang hintayin ang sirena kung naramdaman ang malakas na pagyanig.
2. Umalis sa dalampasigan, ilog, pantalan, at mababang lugar.
3. HUWAG BUMALIK para manood ng alon. Hindi laging unang alon ang pinakamalaki.
4. Makinig lang sa PHIVOLCS at lokal na awtoridad para sa updates.
5. Tulungan ang mga bata, matatanda, at PWD kung ligtas kayong makakatulong.
Mas mabilis ang tsunami kaysa sa kotse. Bawat segundo mahalaga.
Paki-share para mabalaan ang kapitbahay at pamilya. Mag-ingat po ang lahat.
🙏🌿✨