Samahang Filipino - UZ THS

Samahang Filipino - UZ THS Samahang Filipino Club

25/11/2025

Tomorrow, Wednesday (November 26, 2025), is our Culminating Day for Reading Month!

So, get up and be ready to see your favorite book characters step out of the pages into real life as our students bring them to life through creative costumes—complete with their printed books or originals as proof that these characters truly exist in literature.

Page to Stage is where students compete with the best costume and introduction for their book characters—showcasing not just creativity, but the power of storytelling.

For students who aren’t able to wear any costumes, you may come in your school uniform or scheduled PE uniform instead.

Let’s celebrate imagination, reading, and the magic of bringing books to life. See you there! 🌟📖✨

Bagong opisyal, bagong lakas!🔥Isa na namang yugto ng paglilingkod kasama ang mga bagong mukha ng SaFil!Mga lider na hand...
16/08/2025

Bagong opisyal, bagong lakas!🔥

Isa na namang yugto ng paglilingkod kasama ang mga bagong mukha ng SaFil!
Mga lider na handang magtaguyod ng pagkakaisa.✨️ Maligayang bati sa bagong opisyal ng Samahang Pilipino! ✊🇵🇭

Pangulo: Fatima Raihanna A. Abdulla

Pangalawang Pangulo: Ayesha A. Alpha

Kalihim: Chiong, Maia Liane R.

Ingat-yaman: Hanan Al-Atawe

Tagasuri: Glaiza A. Mayodong

Tagapagbalita: Alkhaleel Paolo B. Manalas

Tagapamahala: Ahadain, Hazel Nicole T.
Sherizze Sky Mariano

🖼: Ayesha Alpha
🖋: Fatima Raihanna Abdulla

📸 Tignan: Ang mga leaders ng Universidad de Zamboanga sa OrSem 2025 Club Fair(August 1, 2025)!Kasama ang Samahang Filipi...
16/08/2025

📸 Tignan: Ang mga leaders ng Universidad de Zamboanga sa OrSem 2025 Club Fair(August 1, 2025)!

Kasama ang Samahang Filipino sa pagpapasaya at pagtanggap sa mga bagong lider ng ating komunidad! Mula sa kwentuhan hanggang sa kulitan,
Tunay na ang diwa ng musika at sining ang bumida! 🎶🖼✨️🇵🇭

Maraming salamat din sa mga sumali at tumulong sa pag-aayos ng mga booth at performance ng ating Samahan!

Mart Sanchez
Bernadette Sulayman
Chrisylle S. Salisayo
Fatima Raihanna Alejo Abdulla
Ayesha Alpha
Precious Myrein Rigor Uy-Guadalquiver
Mish Abdulbaki
Breanna Bernadino
Maryam Arabani
Ridzkan Sappari
Sitti Aisa Kiram
Princess Kolyn P. Cumayao
Shef Dedicatoria

Buwan ng Pagbasa 2024: Pag-asa ng Matatag na Kinabukasan!  Magandang Araw!Noong Nobyembre 25, 2024, matagumpay na ginana...
06/12/2024

Buwan ng Pagbasa 2024: Pag-asa ng Matatag na Kinabukasan!

Magandang Araw!

Noong Nobyembre 25, 2024, matagumpay na ginanap ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa 2024 na may temang "PAGBASA: Pag-asa ng MATATAG na Kinabukasan." Ang programa ay pinangunahan ng mga dedikadong host mula sa AEMSHS at THS Samahang Filipino Club.

Ang selebrasyong ito ay nagbigay-daan upang ipamalas ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang yunit ang kanilang galing, determinasyon, at pagkamalikhain sa iba’t ibang patimpalak. Sa kabila ng mahigpit na kompetisyon, nanatili ang diwa ng pagkakaisa at suporta ng bawat isa, na tunay na nagpatibay sa kahalagahan ng pagbasa bilang pundasyon ng mas maliwanag na hinaharap.

Isang malaking pagbati para sa lahat ng nakilahok at nagbigay ng kanilang pinakamahusay! Lalo na sa mga nagdala ng karangalan para sa kanilang yunit. Tunay na patunay na "Sa PAGBASA, may PAG-ASA."

Mabuhay ang lahat ng kalahok! Mabuhay ang mga mag-aaral ng Technical High School! 🎉


Mga lider, narito na ang ating pinakahihintay! 🌟Sama-sama nating tuklasin ang kapangyarihan ng pagbabasa bilang gabay at...
24/11/2024

Mga lider, narito na ang ating pinakahihintay! 🌟

Sama-sama nating tuklasin ang kapangyarihan ng pagbabasa bilang gabay at liwanag sa ating paglalakbay sa kaalaman. Ang pagbabasa ay higit pa sa isang kasanayan, ito ay daan tungo sa mas malalim na pag-unawa at mas malawak na pananaw. 💡✨

Ang layunin ng Buwan ng Pagbasa ay itaguyod ang kahalagahan ng pagbabasa bilang pundasyon ng edukasyon at pag-unlad ng bawat Pilipino. Kaya tara’t pagyamanin ang ating isipan at muling pukawin ang ating pagmamahal sa pagbabasa! 📚 Tulad ng ika-anim na gawi, tayo’y magkaisa upang tangkilikin ang ating wikang pambansa.

Narito ang mga patakaran at pamantayan para sa mga nabubukod-tanging kompetisyon ngayong Buwan ng Pagbasa na may temang: "𝓟𝓪𝓰𝓫𝓪𝓼𝓪: 𝓟𝓪𝓰-𝓪𝓼𝓪 𝓼𝓪 𝓜𝓪𝓽𝓪𝓽𝓪𝓰 𝓷𝓪 𝓚𝓲𝓷𝓪𝓫𝓾𝓴𝓪𝓼𝓪𝓷” 📖✒️

✍🏻: Emran Aming
👩‍💻: Princess Alpha, Amina Hassan, Ayesha Alpha

Magandang araw!Noong ika-30 ng Agosto 2024, nakilahok ang ilang mag-aaral ng Technical High School sa iba't ibang paligs...
06/10/2024

Magandang araw!

Noong ika-30 ng Agosto 2024, nakilahok ang ilang mag-aaral ng Technical High School sa iba't ibang paligsahan na nagbigay-diin sa kanilang kahusayan at talento. Ang kaganapang ito ay hindi lamang nagsilbing pagkakataon upang ipakita ang kanilang kakayahan kundi pati na rin upang magkaisa ang mga mag-aaral ng Departamentong High School ng Unibersidad de Zamboanga.

Matagumpay na nairaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika, kung saan ang temang “Filipino: Wikang Mapagpalaya” ay nagbigay inspirasyon sa mga estudyante na ipakita ang kanilang abilidad at determinasyon sa bawat patimpalak. Ang mga kinatawan mula sa AEMSHS at THS ang nag-host ng programa, na nagbigay ng makulay at masayang atmospera sa buong kaganapan.

Isang maligayang pagbati sa lahat ng mag-aaral mula sa iba't ibang yunit na nakilahok at nagkaisa sa Buwan ng Wika. Ang inyong pagsisikap at tagumpay ay isang malaking karangalan para sa Technical High School, at ang mga gantimpala na inyong nakuha mula sa mga kompetisyon ay patunay ng inyong husay at dedikasyon. Nawa'y magpatuloy ang inyong tagumpay sa mga susunod pang mga pagkakataon!

Maligayang pagbati! 🙌🏻Ngayong darating na Agosto 30, gaganapin ang Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapagla...
27/08/2024

Maligayang pagbati! 🙌🏻

Ngayong darating na Agosto 30, gaganapin ang Buwan ng Wika na may temang “Filipino: Wikang Mapaglaya”, sa tatlong departamento ng mataas na paaralan ng Universidad de Zamboanga. Kaugnay sa nalalapit na pagdiriwang, nasasabik kaming ipaalam at anyayahan kayong lahat sa mga inihandang kompetisyon.

Ang selebrasyon na ito ay may layon na mapaunlad at mapalago ang iba't ibang kakayahan ng mga Pilipinong mag-aaral sa pamamagitan ng mga aktibidad kung saan ay gagamitan ng mga mag-aaral ng kanilang kakayahan sa pag-isip, pagsusulat, pagkahusay, at pagkamalikhain; ito ay makatutulong upang sila ay maging aktibo, at dalubhasa sa larangan ng wikang Filipino.

Tingnan ang mga detalye sa ibaba para sa mga alituntunin at pamantayan para sa sumusunod na paligsahan:

📝 Pagsulat ng Sanaysay
🎨 Pinta-Wika
📜 Likha-Tula
💡Tagisan ng Talino

Ipamalas na ang galing at husay sa paggamit ng wikang Filipino! Tiyakin na isinasabuhay ang pitong gawi sa bawat hakbang tungo sa mas maunlad na resulta.

Kita-kits, Wildcats! 🐱

Sa pagtatapos ng akademikong taon na ito, ikinagagalak ng mga opisyal at tagapayo ng Samahang Filipino-THS ang mapagsilb...
29/06/2024

Sa pagtatapos ng akademikong taon na ito, ikinagagalak ng mga opisyal at tagapayo ng Samahang Filipino-THS ang mapagsilbihan ang mga mag-aaral ng Universidad de Zamboanga nang may taglay na kahusayan at karunungan. Bawat kwento, kaalaman, at mga ideya na naipamalas na nakabatay sa wikang Filipino ay labis na ikinararangal ng samahan. Nawa'y ating ipagpatuloy ang pagpapayaman at pagpapalaganap sa sarili nating wika na siyang kayamanang ating pinag-iingatan. Maraming salamat sa pagbubukas sa inyong mga pinto at sa mga oportunidad na ipinagkaloob para sa mga naging kaganapan sa Samahang Filipino- THS 2023-2024.

🇵🇭
#2023-2024

Kaming mga miyembro at opisyal ng Samahang Club THS ay bumabati sa aming sariling tagapayo – G. Antonio B. Booc - ng isa...
22/02/2024

Kaming mga miyembro at opisyal ng Samahang Club THS ay bumabati sa aming sariling tagapayo – G. Antonio B. Booc - ng isang maligayang kaarawan!

Nararapat niya ang lahat ng pagmamahal at kaligayahan sa mundo para sa kanyang determinasyon, pagmamahal, at dedikasyon sa pagtuturo. Isang karangalan para sa aming mga opisyal at miyembro ng samahan na mapailalim sa kanyang mahusay at mabungang paggabay sa akademikong taong ito. Ang kanyang mga paraan ng pagpapatibay at pamamahala maskin sa mga pinakamahirap na panahon ay lubos na pinahahalagahan ng mga mag-aaral na bumubuo sa samahan. Nawa'y ang kaarawan na ito ay magdala sa kanya ng kagalakan at kapayapaan.

Magandang araw!Noong ika-28 at 29 ng Nobyembre 2023, nakilahok ang ilang mag-aaral ng Technical High School sa iba't iba...
24/12/2023

Magandang araw!

Noong ika-28 at 29 ng Nobyembre 2023, nakilahok ang ilang mag-aaral ng Technical High School sa iba't ibang paligsahan. Hindi maikakaila na ang kaganapan ay nagsilbing paraan upang magkaisa ang bawat mag-aaral ng Departamentong High School ng Unibersidad de Zamboanga.

Matagumpay na nairaos ang pagdiriwang ng Buwan ng Pagbasa. Ang temang "Pagbasa: Pag-asa ng mga Mag-aaral sa Pagkamit ng Matagumpay na Bukas" ay nagbigay daan para sa mga mag-aaral na ipakita ang kanilang kahusayan, abilidad, at determinasyon sa bawat patimpalak, na may layuning matagumpayan ang mga ito. Ang nag-host sa programa ay mga kinatawan mula sa AEMSHS.

Isang maligayang pagbati sa lahat ng mag-aaral mula sa iba't ibang yunit na nakilahok at nagkaisa sa Buwan ng Pagbasa. Gayunpaman, itong pagbati ay iniuukit para sa mga kinatawan ng Technical High School na matagumpay na nakuha ang iba't-ibang gantimpala mula sa kompetisyon. Isang malaking karangalan para sa Technical High School ang inyong tagumpay.

kuhang larawan ng Samahang Filipino-Technical High School

Address

Zamboanga City
7000

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Samahang Filipino - UZ THS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share