28/03/2026
Ang bawat habi ng tennun ay isang tahimik at intensyonal na representasyon ng tiyaga ng mga tao ng Yakan.
Sa gitna ng agarang industriyalisasyon at mabilisang pagtakbo ng araw-araw na gawain, nawa'y maging salamin ang ating tradisyon sa patuloy na pagpreserba ng mga gawain at kasanayang naghuhubog ng pagkabuti ng ating kalikasan.
Dito man nagtatapos ang huling kabanata ng Habi ng Buhay, ngunit patuloy pa rin ang sining at tradisyon ng Yakan: paalala sa diwa ng pagmana ng ating kinagisnan at pagmamahal.