05/12/2025
๐๐๐ก๐ข๐ ๐ข๐ญ ๐๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐ฎ๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ก๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐ซ๐จ๐ฃ๐๐๐ญ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐ข๐ญ๐ฒ-๐๐ฎ๐ข๐ฅ๐๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐
GENERAL SANTOS CITY โ Mahigit 13 organisasyon ng Katutubong Pamayanan mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kabilang ang Lahing Katutubo Mindanao Association (LAKMA), ang lumahok sa ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ท๐ฒ๐ฐ๐ ๐ช๐๐๐ฉ๐: ๐๐บ๐ฝ๐ผ๐๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐๐ป๐ฑ๐ถ๐ด๐ฒ๐ป๐ผ๐๐ ๐ฃ๐ฒ๐ผ๐ฝ๐น๐ฒ๐โ ๐ข๐ฟ๐ด๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ ๐ง๐ต๐ฟ๐ผ๐๐ด๐ต ๐๐ป๐๐๐ถ๐๐๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฐ๐ถ๐๐ ๐๐๐ถ๐น๐ฑ๐ถ๐ป๐ด na ginanap noong Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2, 2025 sa Grand Summit Hotel, General Santos City.
Ang tatlong-araw na pagsasanay ay naisakatuparan sa tulong ng The Asia Foundation, and Australian Aid, mga institusyong matagal nang sumusuporta sa inklusibong pag-unlad at pagpapalakas ng mga pamayanang katutubo sa Mindanao.
Layunin ng Project WEAVE na palakasin ang kakayahan ng mga IP organization sa pamamahala ng kanilang operasyon, pagpapatatag ng internal systems, at pagbuo ng mga community-based project na may malinaw na epekto at maaaring pondohan. Kabilang sa mga tinalakay ang project development, financial management, documentation, leadership, at strategic planning.
Ayon sa mga tagapag-organisa, tumutugon ang inisyatibang ito sa pangangailangang mapaunlad ang institusyonal na kapasidad ng mga organisasyong katutubo upang mas maging handa sila sa pangmatagalang adbokasiya, resource mobilization, at pagpapatupad ng mga programang nakabatay sa pangangailangan ng komunidad.
Ibinahagi ng mga kinatawan mula sa LAKMA na napakahalaga ng mga kaalamang kanilang natamo upang mas mapabuti ang kanilang serbisyo sa mga katutubong pamayanan. Binibigyang-diin nila na ang matatag na internal systems ay pundasyon ng transparency, accountability, at matagumpay na pagpapatupad ng mga programang nagtataguyod ng karapatan, kultura, at kabuhayan ng mga katutubo.
Bahagi ang Project WEAVE ng mas malawak na hakbang upang bigyang-lakas ang mga grassroots IP organization na gumanap ng mas malaking papel sa lokal na pamamahala, kapayapaan, at napapanatiling pag-unlad sa BARMM at karatig-rehiyon.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, nagpahayag ng pasasalamat ang mga kalahok sa The Asia Foundation,at Australian Aid sa kanilang patuloy na suporta at sa pagbibigay-halaga sa kakayahan ng mga pamayanang katutubo. Pinagtibay din nila ang kanilang pangako na ipagpatuloy ang pagtataguyod sa kapakanan at pamana ng mga katutubong pamayanan sa Mindanao.
Lagit-lagi para sa katutubong mamamayan!