27/07/2025
July 27, 2025
Sumakses na naman tayo ngayon!!
Natapos ang kalahating araw ng makabuluhan at puno ng karunungang hatid ng magiging at mababait na staffs ng Mdrrmo Virac at Philippine Red Cross Catanduanes Chapter.
Punong puno ang mga kabataang lider natin ng karunungan na kailanman ay hinding hindi na mawawala sa kanila. Mapagkumbaba kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagturo at nagpakita ng pagmamahal sa gawain patungkol sa DRR Management, First Aid Training, Basic Life Support at CPR. Babaunin namin ang lahat ng itinuro ninyo sa amin.
Maraming salamat din po sa pagkilala ng ating butihing Alkalde ng bayan ng Virac, na si Hon. Sinforo Posoy Sarmiento sa amin bilang kabataan, na kami ay mayroon din magagawa at kontribusyon sa komunidad pagdating sa usaping kalamidad.
Sa mga nakasama namin sa training na ito, sa miyembro ng JDRRAP Virac, paghusayan pa natin sa susunod na mga trainings at palakasin natin ang kakayahan ng mga kapwa kabataan natin na makiisa at makilahok sa mga ganitong uring programa. Magkaisa tayo para sa bawat isa, iangat natin ang moralidad ng kabataan sa paraang alam natin at hindi nakaka apak ng kapwa.
Kay Mam Grace Tabinas ng Local Youth Development Office - Virac Sir Feliciano Avila de Leon Jr. Marami pong salamatsa sainyong inisyatibo. Sa hindi ito ang huli na makikiisa kami sa ganitong uri ng mga programa. Sana may kasunod pa! ๐ค๐
Sir Lyle Cabrera, sana bigyan natin ng malaking suporta ang ganitong inisyatibo at programa. ๐๐ซก
Sa lahat, marami pong salamat sainyo.
Kitakits sa sunod. ๐ค
Kabataan, may magagawa tayo!
Ang kabataan ay may kakayahan,
at hindi tayo pabigat. ๐ซก