25/09/2026
POSTPONE NA NAMAN? NAAAAA NAAAMAAAAAAN.
Setyembre 24, 2026, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12326 na naglalayong ipagpaliban na naman ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE. Itinatakda ng batas ang fixed term na limang taon sa mga Barangay at SK officials.
Balikan natin ang kasaysayan ng mga ipinagpalibang BSKE.
Noong Setyembre 2005, pinirmahan ni Pangulong Gloria Arroyo ang Republic Act 9340 na nagpapalibang sa BSKE mula Oktubre 2005 patungo sa Oktubre 2007. Ang nasabing batas ay inakda nina Congressman Emilio Macias Il at Senador Edgardo Angara.
Matapos ang siyam na taon, muling tinangka ng pamahalaan na ipagpaliban ang BSKE sa pamamagitan ng Republic Act 10923 na naisabatas noong Oktubre 2016 na pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Naglalayon ang batas na iniakda nina Congressmen Rodolfo FariΓ±as, Sherwin Tugna, Pedro Acharon Jr. at Raneo Abu at Senador Leila de Lima na ipagpaliban ang BSKE mula Oktubre 2016 patungo sa Oktubre 2017.
Pagsapit ng Oktubre 2017 na siyang itinakda ng batas na BSKE, muli itong ipinagpaliban sa pamamagitan ng Republic Act 10925 na iniakda nina Congressman Robert Ace Barbers at Senador Vicente Sotto lll. Itinatakda naman ng batas na magaganap ang BSKE sa Mayo ng 2018.
Nakaboto ang mga Pilipino sa BSKE noong 2018 at pagkalipas lamang ng dalawang taon, Mayo 2020, muli na namang ipinagpaliban ito. Noong Disyembre 2019 kase, sa pamamagitan na batas na iniakda nina Congressman Martin Romualdez at Senador B**g Go, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11462 na nagpapaliban na naman sa BSKE.
Sa loob ng 6 na taong sa Palasyo, 3 beses ipinagpaliban ng administrasyong Duterte ang BSKE.
Pagpasok ng administrasyong Marcos Jr., muling ipinagpaliban ang BSKE na nakatakda sana sa Disyembre ng taong iyon. Naisabatas kase ang Republic Act 11935 na iniakda nina Congressmen Paul Daza, Gloria Arroyo, Eric Yap et al. at mga Senador na sina Imee Marcos, Win Gatchalian, Jinggoy Estrada, Chiz Escudero at B**g Go. Ngunit sa di inaasahang pagkakataon, Hunyo 2023, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa batas ang pagpapaliban sa BSKE. Sa kasong Macalintal vs. COMELEC, natuloy ang BSKE Oktubre ng 2023.
Hindi pa rin natigil doon ang ilang plano ng mga politiko na muling ipagpaliban ang BSKE. Agosto 2025, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 12232 na naglalayong gawing 4 na taon ang termino ng mga Barangay at SK official. Layon din ng batas na gawing 3 termino ang mga opisyal ng barangay at isa naman sa mga SK. Ang batas ay inakda ni Congressman Narciso Monfort at mga Senador na sina Imee Marcos, Win Gatchalian, Joel Villanueva, B**g Revilla, Francis Tolentino, B**g Go at Migz Zubiri.
#ππππππππππ