Aurelio Arago MNHS Supreme Secondary Learner Government

Aurelio Arago MNHS Supreme Secondary Learner Government The Official page of the Supreme Secondary Learner Government of Aurelio Arago Memorial National High School

☀️One Table, Many Stories☀️Aurelio Arago Memorial National High School proudly presents “Salo-Salubong” 🍽️, a heartwarmi...
14/06/2026

☀️One Table, Many Stories☀️

Aurelio Arago Memorial National High School proudly presents “Salo-Salubong” 🍽️, a heartwarming gathering where every students come together to share their valuable food contributions in a spirit of collective generosity, unity, and friendship.

More than just a feast to satisfy our appetites, this special occasion offers a meaningful opportunity to connect, exchange stories, and build stronger bonds with one another. Through simple conversations and shared meals, we celebrate the joy of getting to know our fellow students and beloved advisers, and fostering a more welcoming school community.

Join us this Tuesday, June 16, 2026📅 as we gather around one table and create memories that will last far beyond the meal itself.✨




🖼️ ✍️: Ace Lorenz Tulay, Multi-Media and Publication Committee Member

🇵🇭✨ Maligayang Ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas! ✨🇵🇭​Ngayong araw, sama-sama nating ipagdi...
11/06/2026

🇵🇭✨ Maligayang Ika-128 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas! ✨🇵🇭

​Ngayong araw, sama-sama nating ipagdiwang ang ating kalayaan at gunitain ang walang-pantay na kabayanihan ng ating mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa ating bansa. Ang bawat kulay ng ating watawat at ang mga bantayog ng ating mga bayani ay patuloy na nagpapaalala sa atin ng dugong idinaloy para sa kapayapaang tinatamasa natin ngayon.

​Ang kalayaan ay hindi lamang isang yugto sa ating makulay na kasaysayan, kundi isang pang-araw-araw na responsibilidad na dapat nating panindigan at alagaan. Bilang mga mag-aaral at kabataan, hamon sa atin na maging mabuting halimbawa, maging boses ng katotohanan, at maging aktibong kabahagi sa pag-unlad ng ating pamayanan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagmamahal sa bayan, tunay nating maisasabuhay ang diwa ng pagiging isang malayang Pilipino.

​Mabuhay ang bansang Pilipinas! Saludo sa bawat Pilipinong patuloy na lumalaban para sa mas maliwanag na bukas. 💙🤍💛❤️





🖼️ ✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

11/06/2026

Physical prep? Checked. Mental prep? Loading... 🧠⏳

​Excited na ba ang lahat for this school year? Heto na naman tayo sa panibagong serye ng puyatan, tawanan, at recitation! Alamin natin ang totoong thoughts, feels, and expectations ng ating mga kapwa Aurelians dito sa Aurelio Arago Memorial National High School ngayong Back to School 2026! 🏫🎒

​From physical preparations to emotional adjustments, ready na ba talaga ang lahat?




🖼️:Natalie Wallet and Sammuel Cortuna, Multi-Media and Publication Committee Member
✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

Disclaimers:
No copyright infringement intended. All rights to the music used belong to their repective owners.
All individuals featured have given their
consent to be filmed and for this content to be posted.

📚✨ Panibagong taon, panibagong simula!Opisyal nang binuksan ng Aurelio Arago Memorial National High School ang School Ye...
08/06/2026

📚✨ Panibagong taon, panibagong simula!

Opisyal nang binuksan ng Aurelio Arago Memorial National High School ang School Year 2026–2027 ngayong ika-8 ng Hunyo, kasabay ng pagsisimula ng bagong three-term school calendar.

Sa pagpasok ng bawat Aurelian sa panibagong yugto ng pag-aaral, dala natin ang panibagong mga pangarap, oportunidad, at hamon na tiyak na magpapalawak ng ating kaalaman, kakayahan, at pagkatao. Mula sa mainit na pagtanggap ng paaralan hanggang sa masiglang pagbati ng SSLG Officers, naging makahulugan ang unang araw ng pagbabalik-eskwela.

Kasabay rin nito ang pagkilala sa ating mga mag-aaral na nagbigay ng karangalan sa paaralan sa larangan ng palakasan at pamamahayag—isang patunay na ang husay at dedikasyon ng mga Aurelian ay patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa buong Aurelians.

Habang sinisimulan natin ang unang linggo ng mga gawain at bagong karanasan, nawa’y maging gabay ito upang makabuo ng magandang samahan, positibong pag-uugali, at mas matibay na pundasyon para sa matagumpay na taon ng pagkatuto.

Welcome back, Aurelians! 💙💛
Sama-sama nating gawing makabuluhan, masaya, at produktibo ang School Year 2026–2027.





🖼️:Kean Salingbay, Multi-Media and Publication Committee Member
✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

07/06/2026

✨ Talagang parang panaginip lang ang lahat...

Yung tipong unang pasok mo pa lang, nangangapa ka na kung saan ang room mo, sino ang magiging kaibigan mo, at kung bakit parang ang layo ng canteen. 😭🏃‍♂️

Sa school year na 'to, makakaranas ka ng mga unexpected moments—may kilig 💘, saya 😆, lungkot 😔, at syempre... mga quiz na akala mo review lang pero graded pala. 🤡📚

Pero huwag kang mag-alala, hindi mo kailangang harapin ang lahat nang mag-isa. Nandito ang Supreme Secondary Learner Government ng Aurelio Arago, handang umakbay, umalalay, at samahan ka sa bawat hakbang ng journey mo. 🤝✨

At kung mawala ka man sa building... well, tutulungan ka rin naming hanapin ang classroom mo. 🗺️😂

Kaya relax ka lang, freshie.
Kami ang kasama mo. 💙✨





🖼️:Natalie Wallet and Sammuel Cortuna, Multi-Media and Publication Committee Member
✍️:Sammuel Cortuna, Multi-Media and Publication Committee Member

Disclaimers:
No copyright infringement intended. All rights to the music used belong to their repective owners.

All individuals featured have given their consent to be filmed and for this content to be posted.

🚨 Paki-gising naman yung natutulog kong grades, papasok na raw ulit! 🚨Walang preno ang bakasyon dahil JUNE 8 IS REAL! 🗓️...
07/06/2026

🚨 Paki-gising naman yung natutulog kong grades, papasok na raw ulit! 🚨

Walang preno ang bakasyon dahil JUNE 8 IS REAL! 🗓️✨ Oras na para gisingin ang mga natutulog nating brain cells dahil back to school na naman, Aurelians!

Ilabas na ang mga naghihingalong ballpen, bagong notebooks, at ang nag-uumapaw nating energy (or antok). 📚✏️ Tanggapin na natin ang katotohanan: back to early alarms at school chika na tayo!

Kaya i-handa na ang iyong signature "kunwari lilipat ng ibang bansa pero papasok lang pala" look at sabay-sabay nating salubungin ang bagong school year nang may ngiti (o kaba).🫠

See you around the campus, Aurelians! 🤪





🖼️ ✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

MISS NA KITA... mo na ba section mo?"🔍Hoy, no joke—1 DAY NA LANG talaga! 😱 Goodbye to limitless bedrot time and hello to...
07/06/2026

MISS NA KITA... mo na ba section mo?"🔍

Hoy, no joke—1 DAY NA LANG talaga! 😱 Goodbye to limitless bedrot time and hello to early morning gising struggles. Kakayanin ba ng sleep schedule niyo? (Kasi kami, parang hindi pa ready).

Pero ready o hindi, the wait is finally over! Bukas na ang pinto ng Aurelio Arago Memorial National High School para sa ating lahat! 🏫💚

Bago matulog mamaya, paki-check muna ang mga 'to:
✅ School supplies? Kumpleto na ba (o hihingi na lang ng yellow paper)?
✅ Uniform? Sana naman natuyo na sa tapat ng electric fan! 👕💨

At higit sa lahat: Naka-practice na ba kayo ng “Hi, I’m [Name], from...” intro sa harap ng salamin? 😂

I-enjoy na ang huling gabi ng bakasyon, Aurelians! Ihanda na rin ang best "Hindi ako natutulog ma'am, nakapikit lang" look niyo para sa klase. Kita-kits bukas ng maaga—bawal ma-late sa first bell!





🖼️ ✍️: Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

02/06/2026

🐴 PAGOD NA PAGOD? SAME, BESTIE! 😂.

Yung akala mo relaxation at chill vibes lang ngayong break, tapos biglang may babagsak na... BRIGADA ESKWELA?! 😱🧹

Ganyang-ganyan ang energy natin ngayon—yung gusto mo lang naman mag-chill pero biglang sinalpak ng reality! No choice kundi bumangon at magsipag! 😭💥

When: June 1 to 5, 2026
Where: Aurelio Arago Memorial National High School

Kaya sa mga kapwa ko "pagod na pagod na" dyan... ano, tara? Let's do this! Wag nang mag-inarte, kitakits tayo para maglinis at mag-ayos ng school natin! 💪✨





Note: Clip from
https://vt.tiktok.com/ZSxTbcFpe/
All rights and credits belong to their
rightful owners
Shared by the SSLG for entertainment
purposes only. No copyright infringement intended.

🖼️:Natalie Wallet, Multi-Media and Publication Committee Member
✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

Congratulations!✨
02/06/2026

Congratulations!✨

🍊 "Naiinis naman ako 'te kasi parang 'di naman ako pinag-isipan. O 'di ba ikaw ang pangalan mo ay mango, pero dilaw ka n...
02/06/2026

🍊 "Naiinis naman ako 'te kasi parang 'di naman ako pinag-isipan. O 'di ba ikaw ang pangalan mo ay mango, pero dilaw ka naman. Parang obvious naman kasi sa 'kin te, orange, wala na bang ibang pangalan? Kaloka naman..." 💅✨

​Pero alam niyo kung ano ang talagang pinag-isipan at kitang-kita ang effort? Ang walang-kapantay na leadership ng ating birthday boy! 🥳💚

​Hindi orange o mango ang bida, kundi ang pinaka-maasahan at hardworking Vice Chairman ng MMAPC—si Kean!

​The whole SSLG Family is incredibly grateful for your dedication, service, and the positive energy you bring to the team. Wishing you less stress, more success, and a celebration that is totally not basic. You deserve all the love and blessings today, Vice! 🥂🎈




🖼️ ✍️:Hannah Faye Avelino, Public Information Officer

Address

Leido
Victoria
5205

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Aurelio Arago MNHS Supreme Secondary Learner Government posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Aurelio Arago MNHS Supreme Secondary Learner Government:

Share