12/03/2024
Inaasam natin ang isang Pilipinas kung saan bawat indibidwal, anuman ang kanilang pinagmulan o kalagayan, ay may pagkakataon na mamuhay ng may dignidad, kasaganaan, at kasiyahan. Isang lipunan kung saan ang kahirapan ay tanging alaala na lamang, at ang mga prinsipyo ng katarungan, (ekwalidad) pantay-pantay, at malasakit ay ang mga pundasyon tungo sa progreso.
Bilang tagapagtaguyod ng mas makatarungan na lipunan, nakatuon kami sa pagpuksa ng kahirapan sa lahat ng anyo nito. Sa tulong ng aming matibay na pangako sa katarungan, (ekwalidad) pantay-pantay, at malasakit, layunin naming gamitin ang aming mga yaman, kaalaman, at pagmamalasakit upang makabuo ng konkreto at pangmatagalang pagbabago. Layunin naming magbigay ng lakas kung saan tuturuan namin ang mamamayang Pilipino upang tumayo gamit ang kanilang sariling mga paa at umahon sa kahirapan. Ang misyon na ito ay hindi lamang ang aming tungkulin; ito ay aming taimtim na pangako sa mga mamamayan Pilipino.
Tulong-tulong.
Sama-sama.
Abot Pangarap.
Ahon Mahirap.