17/06/2026
✨ ISANG ARAW, DALAWANG ENTABLADO, IISANG POSTURA NG KAHUSAYAN ✨
Inirampa ng SAMANAFIL POSTURA ang mga natatanging likhang koleksyon ni G. Lyjan Miranday ng Lyjan MNL sa dalawang mahalagang pagdiriwang sa iisang araw.
Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan noong ika-14 ng Hunyo sa SM City Valenzuela, ipinamalas ng mga modelo ang kanilang kahanga-hangang husay sa pagrampa at pagbibigay-buhay sa bawat disenyo. Ang kanilang natatanging pitik at kumpiyansa sa entablado ay tunay na hinangaan at pinalakpakan ng mga manonood.
Sa parehong araw, nakipagsabayan din ang mga likhang koleksyon ng Lyjan MNL sa iba pang mahuhusay na designer ng Lungsod ng Valenzuela bilang pakikiisa sa Pride Month Celebration, sa pamamagitan ng isang runway showcase na pinamahalaan ng Pink Society Valenzuela sa Casa De Polo. Muling lumutang ang husay, disiplina, at presensya sa catwalk ng SAMANAFIL POSTURA, na sinalubong ng masigabong palakpakan mula sa mga dumalo.
Patunay ang mga pagtatanghal na ito na ang fashion ay hindi lamang tungkol sa pananamit, kundi isang makapangyarihang anyo ng sining, pagpapahayag, at pagkakaisa.
Maraming salamat, Lyjan MNL, Pink Society Valenzuela, at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa SAMANAFIL POSTURA.
✨ Fashion with Purpose. Confidence with Pride. Posture with Excellence. ✨