15/12/2024
Muli pong kumakatok ang Acts 20:35 Charity sainyong mga puso upang maisakatuparan ang proyekto para sa mga bata mula sa Nazareth Home for Street Children.
Sila ay kababaihang kabataan na nangangarap makapagtapos ng pag - aaral sa tulong ng bahay - ampunan na kanilang tinirtirhan.
Kung kaya’t binabalak ng Acts 20:35 Charity na ayusin ang kanilang palikuran, kusina at maghatid ng supplies gaya ng bigas, frozen goods, at school supplies na makatutulong para sa kanilang pang - araw araw at maging sakanilang pag - aaral.
Kaya naman, sa mga nais maghatid ng kanilang tulong makipag - ugnayan lamang sa aming official FB Page: Acts 20:35 Charity.
Maraming salamat po!