26/10/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ 2025
Matagumpay na idinaos kahapon, Oktubre 25, ang taunang Halloween Parade sa Sitio Balubaran. Ang nasabing okasyon ay naging isang makulay at masayang pagdiriwang ng mga bata at kanilang mga magulang.
Sa pagdiriwang na ito, binigyang pagkakataon ang mga bata na ipamalas ang kanilang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga kahanga-hangang costume. Ito ay hindi lamang isang paraan upang ipagdiwang ang Halloween kundi pati na rin upang palakasin ang samahan ng mga magulang, bata, at komunidad.
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sponsors na nagbigay tulong, sa lahat ng mga batang nakilahok at sa mga magulang na walang sawang sumuporta. Ang inyong partisipasyon ay naging sanhi ng tagumpay ng programang ito. Gayundin, kami ay nagpapasalamat sa lahat ng mga tao sa likod ng proyektong ito na nagbigay ng kanilang oras at pagod upang maisakatuparan ang nasabing proyekto.
Muli, maraming salamat sa inyong lahat at nawa'y patuloy ninyong maramdaman ang diwa ng Halloween sa mga susunod pang mga taon.