11/05/2026
3/3
ISANG TAOS-PUSONG PASASALAMAT MULA SA DAYO! ♥️
Mula sa hapon hanggang madaling-araw, ramdam na ramdam natin ang pagkakaisa! Ang Doña Ata Youth Organization (DAYO) ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng nakiisa at naging bahagi ng tagumpay ng ating Sto. Cristo Fiesta 2026! 🎊
Hindi magiging ganito kasaya at katingkad ang ating pagdiriwang kung wala ang inyong tiwala at suporta. Kaya naman, isang malaking SALUDO at PASASALAMAT sa lahat ng mga sumali na kabataan sa Palaro sa Hapon, mga talentadong mang-aawit na nakilahok sa ating Singing Contest, at sa mga Night Party Goers. Salamat sa energy at pakikipagsaya hanggang sa huling kanta! Kayo ang nagbigay ng buhay sa ating selebrasyon.
Ang tagumpay na ito ay hindi lang para sa DAYO, kundi para sa buong komunidad ng Doña Ata na nagbigay ng suporta mula sa pag-aabot ng tulong pinansyal, hanggang sa pakikisaya sa araw mismo ng Fiesta!
Muli, mula sa amin sa DAYO, maraming-maraming salamat po! Patuloy tayong magkaisa sa mga susunod pang proyekto para sa Doña Ata!
📸Your Memories Photography