25/02/2026
"๐๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐๐ฒ๐๐ง ๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐๐ข๐ ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ฒ๐๐ง"
Ngayong Pebrero 25 dinidiwang ng bawat Pilipino ang ika-40 na anibersaryo EDSA People Power Revolution na isa sa mga naging hakbang upang tayo ay makawala mula sa isa sa mga malalagim na parte ng ating kasaysayan. Ang rebolusyong ito ay hindi pangkaraniwang mapayapang pagtiripon lamang. Ang kalayaang natatamasa ng bawat Pilipino sa kasalukuyan ay binayaran gamit ang dugo, laman, at isipan ng bawat taong pinadakip ng rehimeng Marcos.
Ilang buhay ang nasakripisyo upang ang ating bayan ay manatiling payapa at maaliwalas. Ngunit sa gitna ng dugong dumanak, isang aral ang ating mapupulot mula sa nakalipas: hindi mabubuo ang ating bayan, ang kasalukuyan, at ang mga pagbabago nito kung hindi natin ito patuloy na ipaglalaban.
Sa pagunita natin sa ika-apatnapung taong anibersaryo ng EDSA rebolusyon, nahaharap pa rin ang mga kabataan at estudyante sa malalagim na hamon dulot ng sistemang tinayo hindi para sa kanila. Apektado ang pagaaral, pisikal na kalagayan, at mental na kalusugan ng mga kabataang Pilipino dahil sa kapabayaan ng estado.
Ang Peer Counseling Club ay isang organisasyon na naga-adbokasiya sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino, at saklaw nito ang pag-alam at pagkilala sa kasaysayan na nagtatag ng ating bansa. Dahil ang kabataang mulat sa kapakanan ng bawat isa, ay isang mamamayang hindi nakakalimot sa nakaraan na naghulma sa bansa.
Sa ating pagbigay-galang sa araw na ito, bilang estudyante, nawa ay alalahanin at pagnilayan natin ang buhay ng kapwa nating mga estudyanteng kinuha ng lagim ng rehimeng walang awa. At bilang isang Pilipino, nawa ay 'wag tayong matakot na gamitin ang ating boses upang ipaglaban ang tama at nararapat.
Ang EDSA ay higit pa sa isang daanan o isang "holiday"โ ito ay isang paalala, na ang tunay na people power ay nasa sambayan, at ang huling hatol ay nasa kamay ng bawat Pilipino.
Patuloy na buhay ang diwa ng EDSA.
Huwag na sanang maulit. Huwag na nating iulit.
Layout: Gabriel Perez (PIO)
Caption : Gabriel Perez (PIO), Mary Mhargarette Rolusta (Creatives), Kate Louren Montero