08/08/2026
๐๐๐๐๐๐ฅ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ข๐ ๐ฃ๐ฅ๐๐๐ ๐ ๐ข๐ก๐ง๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ณ๏ธโ๐
Sa pangunguna ni ๐๐ ๐๐ฉ๐ข๐ช๐ณ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ ๐๐บ๐ญ๐ข ๐๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ๐จ๐บ๐ข๐ณ๐ช๐ฉ๐ข๐ฏ ๐๐ฆ๐ณ๐ฏ๐ข๐ฏ๐ฅ๐ฆ๐ป, kasama ang ๐ง๐ฎ๐ด๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐น๐ผ ๐ป๐ด ๐๐ผ๐บ๐ถ๐๐ฒ ๐๐ฎ ๐๐ฒ๐ป๐ฑ๐ฒ๐ฟ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐, ๐๐ ๐๐ข๐จ๐ข๐ธ๐ข๐ฅ ๐๐ฉ๐ฆ๐ฆ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฆ ๐๐ข๐ณ๐ฒ๐ถ๐ฆ๐ป, nakiisa ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Mapulang Lupa sa isa sa mga pinakaabangang pagdiriwang ng Pride Month, ang ๐ฃ๐ถ๐ป๐ธ ๐ฆ๐ผ๐ฐ๐ถ๐ฒ๐๐ ๐๐ฒ๐ฑ๐ฒ๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฒ ๐๐น๐ผ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐ฑ๐ฒ. Bagama't hindi naging bahagi ng mismong parada o ng mga sasakyang lumahok, pinili ng aming konseho na magbigay ng munting suporta sa ating mga youth organizations at kapwa Sangguniang Kabataan sa pamamagitan ng ๐ฉ๐๐ฆ๐๐ฆ๐๐ก๐๐ ๐ข ๐ง๐ ๐๐จ๐ญ๐ญ๐ฅ๐๐ ๐ฐ๐๐ญ๐๐ซ, ๐ฉ๐๐ง๐๐๐ฌ๐๐ฅ, ๐๐ญ ๐ฐ๐๐ญ๐๐ซ ๐ ๐ฎ๐ง๐ฌ bilang simpleng ambag sa kanilang paglahok sa makulay na selebrasyong ito.
Bilang pagpapatuloy ng ating adhikain para sa isang tunay na inklusibong pamayanan, nagsagawa rin ang konseho ng isang ๐๐ซ๐ข๐๐ ๐๐จ๐๐ข๐๐ฅ ๐๐ข๐ ๐ก๐ญ para sa LGBTQIA+ community ng ating barangay. Sa simpleng salu-salo, mga palaro, tawanan, kwentuhan, at mga sandaling sabay-sabay nating nilikha, higit nating napatunayan na ang pinakamahalagang naibibigay ng isang komunidad ay hindi lamang programa o materyal na tulong, kundi ang pakiramdam na may lugar kang kinabibilangan, may mga taong handang makinig, at may mga pusong handang umunawa. Bilang munting handog, namahagi rin ang konseho ng mga bola ng volleyball sa bawat purok na may kinatawan ng LGBTQIA+ community at sa ilang youth organizations bilang simbolo ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok sa komunidad.
Sa buong panahon po ng aming panunungkulan, hindi kailanman naging hadlang ang pagkakaiba-iba upang tayo ay magkaunawaan. Ang aming tanggapan ay patuloy na mananatiling bukas para sa mga mungkahi, kolaborasyon, adbokasiya, at mga programang makapagpapabuti sa ating komunidad. Hindi man pare-pareho ang ating mga kuwento, karanasan, o pinagdaraanan, iisa ang ating tahanan at iisa ang ating hangarin, ang magkaroon ng isang pamayanang ligtas, mapagkalinga, at may paggalang sa dignidad ng bawat tao.
Nawa'y patuloy nating ipakita na ang tunay na lakas ng isang komunidad ay hindi nasusukat sa dami ng pagkakatulad, kundi sa kakayahan nitong yakapin ang bawat isa nang may malasakit at pagmamahal. ๐๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐ฉ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐ ๐ช๐ก๐๐ฎ, ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ช๐ฌ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐ช๐ฃ๐ฎ๐ค, ๐ ๐ช๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฉ ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ๐๐ค ๐ฃ๐ ๐๐จ๐'๐ฉ ๐๐จ๐. ๐๐๐ฅ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐จ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐ ๐ค๐ข๐ช๐ฃ๐๐๐๐ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐ก๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฅ๐๐๐๐ฎ๐๐, ๐๐ฉ๐ค ๐๐ฎ ๐จ๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐๐ฃ๐ ๐๐จ๐๐ฃ๐๐จ๐๐๐ช๐๐๐ฎ ๐