31/08/2026
Mula sa TAU GAMMA PHI/SIGMA Lingunan Chapter , taos-puso po kaming nagpapasalamat kay Mabest Food Valenzuela Distributor sa inyong bukal sa loob na pag-sponsor ng Chicken BBQ at sa inyong pakikiisa sa aming munting pagtulong sa mga kabarangay nating naapektuhan ng pagbaha.
Sa pamamagitan ng inyong suporta , kahit sa simpleng paraan , ay nakapagbigay tayo ng kaunting tulong at pagkain sa ating mga kabarangay na kasalukuyang dumaranas ng pagsubok .
Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong kabutihang-loob , malasakit , at pakikiisa sa ating komunidad .
Maraming-maraming salamat po . Mabest sa inyong suporta at malasakit.