10/07/2025
LIMANG BALUKTOT NA TURO
Ang limang binaluktot na 'turo' sa mga training centers ay sinadya para tuloy ang pang-aabuso.
Ang lahat ng mga ito ay hindi nakikita sa kahit anong published doctrine manuals o training policies.
Ang ibig sabihin, imbento lang ito ng mga taong abusado para manatili ang pagiging buraot at pagka-barumbado.
Talakayin natin para ma-educate ang lahat lalo yang mga iilang abusado.
Basahin at intindihin ha.
1. "The senior is always right." Familiar ba sa mga nag ROTC? Sa mga basic training sa uniformed service? Hmmmm. Aba, sinong makapagsabi na yong nagpapatakbo ng training ay parating tama? Infallible? Never magkamali? Ano ka, Diyos? If not, kabulastugan ito. Ginagawang tanga at confused ang trainees para maging mang-mang sa hazing practices pati sa pamburaot sa sweldo at mess allowance ng trainees. Issue-matic na 200% mas mahal sa market price, "always right" ba yong gumagawa nito sa trainees?
2. "Obey first before you complain". Karugtong ito sa "The senior is always right". Nambugbog na, nang sexually harrass pa ang iba, then sasabihing "Sumunod ka lang nang sumunod kasi trainee ka lang!". Ang tama dito ay "Always follow legal orders". Kung inaabuso ka na as a human being, aba, dapat mo itong ireklamo sa kinauukulan!
3. "What you see, what you hear, leave it here". Kung binabastos ka na at ginagawang punching bag, o witness ka sa pang aabuso, inuutusan ka pang manahimik na lang dahil walang balls humarap sa kaso yong mga abusado! Ang tama na turo dito ay i-apply ang konsepto sa national security matters lalo yong OPSEC/COMSEC. Wag i-Maritess ang state secrets, operational plans, passwords/codewords, etc na nakakapahamak sa tropa o sa buong bansa.
4. Squealer daw yong magreport ng abuses! Agsin, turo ito ng abusadong walang balls (sense of accountability). Kung tinanong ka kung bakit may pasa/markings ng hazing sa katawan, sabihin ang katotohanan dahil ang tamang turo ay HONESTY! Samantala, ang totoong turo sa konsepto ng "Squealer" ay yong sundalo na nagbubunyag ng OPSEC/COMSEC matters kung ma-capture ng kalaban o kaya mag espiya para sa kaaway!
5. Mase-mase wantusawa ay pampalakas (example ay Mountain Climbing with Tusok Ulo at Squat Jump na umaabot ng daan-daang repetitions). Kabulastugan ito. Ano ang matinong objective sa excessive at unorthodox exercises? Sinong sports science o physical education graduates ang magpatunay na tama ito? May research work ba ito? Ginagawa ba ito ng fitness coaches ni Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, at ni Alex Eala?
Sa mga propesyonal na training managers, lalo sa TRACOM, hindi namin itinuturo ang mga kabulastugang sabi-sabi na ito ng mga powertrippers at abusive trainers.
Magtulungan tayong baguhin ang mga kabulastugan na ating naranasan.
Tara na patungo sa pagbabago, 2025 na eh!