21/08/2025
π Magandang araw mga minamahal naming kapitbahay!
Isang magandang balita! Ngayong araw, Agosto 21, 2025, Ay pinamunuan ng ating kagalang galang na Kapitang Rizalino "B**g" Ferrer at ilan sa mga opisyal ng Matimyas Neighborhood Association ang pag sarbey sa ating nasasakupan. Matapos ng maiging pagsusuri ay napagpasyahan ang pag kakabit ng tig-tatlong (3) karagdagang CCTV cameras at street light sa mga piling bahagi ng kalsadang hindi nasasakop ng mga nakatalaga ng CCTV cameras at street lights. Ito ay alinsunod sa ating adhikaing panatilihing maayos, organisado at ligtas ang ating lugar.
Inaasahan ang pakikibahagi ng bawat isa na panatilihin itong malaya sa distruksiyon at pagkawala.
Lubos ang ating pasasalamat sa agarang aksyon ng mga namumuno sa ating lokal na barangay sa pakikiisa at pag agapay sa ating mga adhikain.
Asahan nyong patuloy ang ating pagseserbisyo upang panatilihing ligtas, organisado at maayos ang ating nasasakupan.