03/06/2026
📢 𝗕𝗥𝗜𝗚𝗔𝗗𝗔 𝗘𝗦𝗞𝗪𝗘𝗟𝗔 2026
Buong pusong nakiisa at nakibahagi ang 𝗟𝗮𝗯𝗶𝘁 𝗘𝗮𝘀𝘁 𝗘𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁𝗮𝗿𝘆 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗔𝗹𝘂𝗺𝗻𝗶 𝗔𝘀𝘀𝗼𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲𝗿𝘀 sa isinagawang 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 mula 𝗝𝘂𝗻𝗲 01 hanggang 𝗝𝘂𝗻𝗲 06 bilang suporta sa paghahanda ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.
Layunin ng programang ito na maisaayos, mapanatiling malinis, ligtas, at maging mas conducive ang learning environment upang mas maging handa at komportable ang ating mga mag-aaral sa kanilang pagpasok sa paaralan.
Sa pamamagitan ng bayanihan, pagkakaisa, at malasakit ng bawat isa, muli nating pinatunayan na ang edukasyon ay responsibilidad ng buong komunidad.
Taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng Alumni Officers, volunteers, g**o, magulang, at mga indibidwal na nakiisa at naglaan ng oras, lakas, at suporta para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026.
“Sa sama-samang pagkilos, mas maliwanag ang kinabukasan ng kabataan.”
𝗠𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗼 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗽𝗶𝗿𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻𝗶𝗵𝗮𝗻!