24/05/2026
BRIGADA ESKWELA 2026
“Bayanihan sa Paaralan: Nagkakaisa para sa Kaayusan at Kaalaman.”
Sa tunay na diwa ng paglilingkod, pagkakaisa, at pagkakapatiran, ang Tau Gamma Phi - Cayambanan Community Chapter ay nakikiisa sa Tau Gamma Sigma - Cayambanan Community Chapter at Nancamaliran West Community Chapter sa isasagawang Brigada Eskwela para sa Cayambanan Elementary School at Nancalobasaan Elementary School.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bayanihan, layunin naming makatulong sa paghahanda at pagsasaayos ng mga pasilidad ng mga paaralang ito upang matiyak na magiging ligtas, malinis, maayos, at handa ang mga silid-aralan para sa pagbubukas ng panibagong taon ng pag-aaral.
Nais naming maipakita na sa simpleng pagtutulungan at malasakit sa komunidad, nakapag-aambag tayo sa mas maayos na kapaligiran para sa mga kabataang mag-aaral—ang mga susunod na pag-asa ng bayan—upang mas maging inspirasyon sa kanilang pagkatuto at paghubog ng kanilang kinabukasan.