11/05/2024
Nakasaad sa Article 4, Section 10 ng Bangsamoro Organic Law na ang mga katutubo ay mayroong kalayaan na mapanatili ang kanilang natatanging katutubo at etnikong pagkakakilanlan bilang karagdagan sa kanilang Bangsamoro na pagkakakilanlang pampulitika.
Ang non-moro Indigenous Peoples (NMIP) ay nabuo sa layuning magkaroon ng katangian sa ibang grupo sa loob ng rehiyong Bangsamoro. Sila ay isang pangkat ng mga tao o mga magkakauring lipunan na kinilala sa pamamagitan ng
sariling pagpapatunay at pagpapatunay ng iba, na tuloy-tuloy na nanirahan bilang isang organisadong pamayanan sa komunal na teritoryo, at sa ilalim ng mga pag-angkin ng pagmamay-ari mula pa noong unang panahon, sinakop, inangkin, at ginamit ang mga nasabing teritoryo, nabubuklod ng sariling wika, kaugalian, tradisyon at iba pang mga natatanging katangian ng kultura, o kung sino, sa pamamagitan ng pagtutol sa pampulitika, panlipunan at pangkulturang pagpasok ng kolonisasyon, mga hindi katutubong relihiyon at kultura, ay naging kaiba sa kasaysayan mula sa karamihan ng mga Pilipino. Kasama rin sa mga ito ang mga tao na itinuturing na katutubo dahil sa kanilang pinagmulan mula sa mga populasyon na naninirahan sa bansa, bago pa ang pananakop o kolonisasyon, pagpasok ng mga di-katutubong relihiyon at kultura, o ang pagtatatag ng kasalukuyang mga hangganan ng estado, na panatilihin ang ilan o lahat ng kanilang sariling mga institusyong panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at pampulitika, na maaaring napaalis sa kanilang tradisyunal na mga lupain o kayaโy namumuhay na sa labas ng kanilang lupaing ninuno.
Ang pagtanggi sa pagkilala ng kanilang pangkat pampulitikang pakilala at Lupaing ninuno sa Bangsamoro Parliament upang amyendahan ang Bill No. 273 ay isang malaking paglapastangan sa kanilang kalagayan. Dahil dito, ang buong posisyon ng mga Teduray, Lambangian, Blaan, Erumanen Ne Menuvu, Dulangan Menubu, at iba pang maliliit na grupo ng katutubong pamayanan ay nagpapahayag ng kanilang pagtindig at laban para sa tamang pagkilala at pagtatanggol sa mga karapatan na ipinagkaloob sa kanila ng Republikang Batas Bilang 8371 o mas kilala sa โIndigenous Peoples Rights Actโ, United Nations Declaration of Rights of Indigenous Peoples, United Nations Declaration of Human Rights at mas pinatibay pa ito sa loob ng Bangsamoro Organic Law na mayroong labin-limang mahahalagang probisyon na kumikilala ng batas ng mga hindi Moro na katutubong mamamayan.
Panghuli, ang Bangsamoro Organic Law (BOL) ay nagtatakda ng proteksyon para sa seguridad at karapatan ng mga Non-Moro Indigenous Peoples (NMIP). Ang bawat panukalang batas na isasagawa ng mga miyembro ng Parliamento ay hindi dapat bawasan o alisin ng karapatan ang mga katutubo na kinikilala na ng ating saligang batas. Ang anumang pagbabawas o pag-aalis nito ay maituturing na malaking paglapastangan sa kanilang mga karapatan na itinatangi ng ating mga batas sa Pilipinas, lalo na ang Indigenous Peoples Rights Act o IPRA.
Makilahok sa panawagan na ito sa pamamagitan ng pag-gamit ng larawan na ito bilang inyong profile picture o i-share sa inyong social midya gamitin ang hastag na