Vice Mayor Eric Castillo

  • Home
  • Vice Mayor Eric Castillo

Vice Mayor Eric Castillo Official page of VM Brederick “Eric” V. Castillo - isang tapat na lingkod-bayan, may puso at malasakit para sa Mamamayan.

Kasama mo, kasama natin - 𝗩𝗠 𝗘𝗥𝗜𝗖 𝗖𝗔𝗦𝗧𝗜𝗟𝗟𝗢, ang 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 Natin!

18/08/2026

𝐌𝐄𝐌𝐎𝐑𝐀𝐍𝐃𝐔𝐌 𝐂𝐈𝐑𝐂𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐍𝐎. 𝟏𝟐𝟗, 𝐬. 𝟐𝟎𝟐𝟔

Upon the recommendation of the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), and in anticipation of continued heavy rainfall associated with the enhanced Southwest Monsoon, government offices in the National Capital Region and the provinces of Abra, Benguet, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro, and Oriental Mindoro are directed to implement appropriate alternative work arrangements on 19 August 2026.

Agencies delivering essential and vital services shall continue their operations. Alternative learning modes and learning continuity measures shall be implemented in public and private schools in the aforementioned areas.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements in the private sector shall be left to the discretion of management.

Visit the Official Gazette website: https://www.officialgazette.gov.ph/1xdHtU

18/08/2026
𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 | 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡 Sa patuloy na pag-ulan, hinihikayat ang lahat ng Bacoeño na manatiling alerto at...
18/08/2026

𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔 | 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗟𝗔𝗡

Sa patuloy na pag-ulan, hinihikayat ang lahat ng Bacoeño na manatiling alerto at maingat, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng pagbaha.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad, iwasang dumaan sa mga binabahang lugar, at unahin ang kaligtasan ng inyong pamilya.

Mag-ingat po tayong lahat. Stay safe & dry, everyone!

𝗩𝗠 𝗘𝗥𝗜𝗖 𝗩. 𝗖𝗔𝗦𝗧𝗜𝗟𝗟𝗢—𝘼𝙣𝙜 𝙑𝙞𝙘𝙚 𝙈𝙖𝙮𝙤𝙧 𝙉𝙖𝙩𝙞𝙣

17/08/2026

| 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗔𝗥𝗘 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗗𝗘𝗗 𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗘𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗥𝗬 𝗧𝗢 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 (August 18, 2026 | Baco, Oriental Mindoro)

Ito ay batay sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dulot ng Habagat.

Pinapayuhan ang lahat na manatiling ligtas, mag-ingat, at patuloy na makinig sa mga susunod pang anunsyo mula sa lokal na pamahalaan.

Source: MDRRMO Baco (2:15 AM)

EMERGENCY HOTLINES:
𝗠𝗗𝗥𝗥𝗠𝗢 - 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗥𝗶𝘀𝗸 𝗥𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 - 0928-477-3901
𝗕𝗙𝗣 - 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝗿𝗲 𝗣𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 - 0915-603-1442
𝗠𝗣𝗦 - 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗶𝗰𝗲 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 - 0906-221-5854

-

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲Sinimulan natin ang panibagong linggo sa Regular Monday Flag Raising Ceremony ng Pama...
17/08/2026

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲

Sinimulan natin ang panibagong linggo sa Regular Monday Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Baco, kasama ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Kasunod nito, nakipagkita rin tayo sa mga kababayang dumulog sa Office of the Vice Mayor upang makinig sa kanilang mga pangangailangan, alalahanin, at mga mungkahi.

Patuloy nating binibigyang-halaga ang pakikinig at pagiging bukas sa ating mga kababayan bilang bahagi ng ating araw-araw na paglilingkod.

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 | 𝗜𝗸𝗮-𝟱𝟴 𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗦𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻Noong Agosto 12, 2026, pinangunahan natin ang Ika-58 Regular na Sesyon ng Sa...
13/08/2026

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 | 𝗜𝗸𝗮-𝟱𝟴 𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗦𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻

Noong Agosto 12, 2026, pinangunahan natin ang Ika-58 Regular na Sesyon ng Sangguniang Bayan ng Baco upang talakayin ang mahahalagang usaping may kaugnayan sa kapakanan ng ating mga kababayan.

Kabilang sa mga tinalakay ang pagbaha sa Benito R. Villar Memorial School, ang kalagayan ng industriya ng baboy sa Oriental Mindoro, at ang mga usaping may kaugnayan sa serbisyo ng Parole and Probation Administration (PPA).

Naging bahagi rin ng sesyon ang courtesy visit ng mga opisyal ng PPA sa pangunguna ni Supervising Probation and Parole Officer (OIC) Ivan D. Loisaga, bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng mga tanggapan.

Patuloy nating isusulong ang mga usaping mahalaga sa ating mga kababayan at ang mga hakbang na makatutulong sa mas ligtas, maayos, at maunlad na Bayan ng Baco.

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧 | 𝗜𝗸𝗮-𝟮 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗦𝗜𝗙𝗜𝗦𝗖𝗢Maligayang ika-2 anibersaryo sa San Ignacio Fishpond Operators Agriculture Cooperati...
13/08/2026

𝗘𝗩𝗘𝗡𝗧 | 𝗜𝗸𝗮-𝟮 𝗔𝗻𝗶𝗯𝗲𝗿𝘀𝗮𝗿𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗦𝗜𝗙𝗜𝗦𝗖𝗢

Maligayang ika-2 anibersaryo sa San Ignacio Fishpond Operators Agriculture Cooperative (SIFISCO)!

Ikinagagalak nating makasama ang SIFISCO sa mahalagang pagdiriwang na ito at masaksihan ang kanilang patuloy na pagkakaisa at pagsisikap sa pagsusulong ng kabuhayan at agrikultura sa ating pamayanan.

Patuloy nating susuportahan ang mga samahang nagbibigay ng oportunidad at tumutulong sa pagpapalakas ng kabuhayan at food security ng ating mga kababayan.

Mabuhay ang SIFISCO at ang ating mga masisipag na Bacoeño! 🐟🌾

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

𝗦𝗢𝗠𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻Nakiisa tayo sa pagdaraos ng State of the Municipality Address (SOMA) 2026 na may temang “U...
07/08/2026

𝗦𝗢𝗠𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻

Nakiisa tayo sa pagdaraos ng State of the Municipality Address (SOMA) 2026 na may temang “Ulat sa Mamamayan: Ang Unang Taon ng Ikalawang Termino ng Panunungkulan ni Mayor Allan ‘AR’ Roldan sa Bayan ng Baco.”

Sa kanyang ulat, ibinahagi ni Mayor Allan “AR” Roldan ang mahahalagang programa, proyekto, at mga inisyatibang naisakatuparan para sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Baco. Nagbigay rin ng mensahe ang panauhing pandangal na si Tingog Party-list Representative Hon. Jude A. Acidre bilang pagpapakita ng kanyang suporta sa mga adhikain ng ating bayan.

Patuloy nating palalakasin ang pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maisulong ang mga programang maghahatid ng mas maayos na serbisyo at mas maunlad na kinabukasan para sa bawat Bacoeño.

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 | 𝗜𝗸𝗮-𝟱𝟳 𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗦𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻Bilang Punong Tagapangulo ng Sangguniang Bayan ng Baco, pinangunahan natin a...
06/08/2026

𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 | 𝗜𝗸𝗮-𝟱𝟳 𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗦𝗲𝘀𝘆𝗼𝗻

Bilang Punong Tagapangulo ng Sangguniang Bayan ng Baco, pinangunahan natin ang Ika-57 Regular na Sesyon kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan upang talakayin ang mahahalagang panukala, ordinansa, at resolusyong nakatuon sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Patuloy nating isinusulong ang mga polisiya at programang magpapabuti sa serbisyong pampubliko at sa kapakanan ng bawat Bacoeño sa pamamagitan ng responsable at makabuluhang lehislasyon.

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, muli tayong nakiisa sa regular na Flag Raising Cer...
03/08/2026

𝗙𝗟𝗔𝗚 𝗥𝗔𝗜𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗥𝗘𝗠𝗢𝗡𝗬 | 𝗔𝘂𝗴𝘂𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲

Sa pagsisimula ng buwan ng Agosto, muli tayong nakiisa sa regular na Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Baco kasama sina Mayor Allan “AR” Roldan, mga Miyembro ng Sangguniang Bayan, mga kinatawan ng iba’t ibang national government agencies, mga department heads, mga kawani ng lokal na pamahalaan, at mga bisita ng Office of the Vice Mayor.

Ang pagtitipong ito ay paalala ng ating sama-samang paninindigan na maghatid ng tapat, mahusay, at malasakit na serbisyo para sa bawat Bacoeño.

Patuloy nating pagtibayin ang ating pagkakaisa at dedikasyon sa paglilingkod para sa mas maunlad na Bayan ng Baco.

“𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗼, 𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗖𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹𝗼”

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Vice Mayor Eric Castillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization?

Share