14/06/2026
Kabarangay!!
Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa pagbisita ng Imahe ni San Vicente Ferrer mula sa Bayan ng Tuy sa ating Barangay sa darating na Hunyo 16β17, 2026.
π Hunyo 16, 2026
π 3:00 PM β Pagdating at Pagtanggap sa Imahe ni San Vicente Ferrer mula sa Bayan ng Tuy
π 4:00 PM β Pagninilay tungkol sa Buhay ni San Vicente Ferrer
π 6:00 PM pataas β Magdamagang Pagbabantay at Panalangin (Overnight Vigil)
π Hunyo 17, 2026
π 9:00 AM β Banal na Misa
π San Vicente Ferrer Chapel, Barangay Dao, Tuy, Batangas
Ang pagbisitang ito ng Imahe ni San Vicente Ferrer ay isang natatanging pagkakataon upang sama-sama tayong magbigay-pugay, manalangin, at palalimin ang ating pananampalataya. Hinihikayat po ang lahat ng mga residente na makiisa at dumalo sa mga nakatakdang gawain.
Maraming salamat po at nawaβy pagpalain tayong lahat ni San Vicente Ferrer. ππ»βͺοΈ