20/04/2026
APPOINTED | MALES’ & FEMALES’ DEPARTMENT
Miyakambida para ko Kamapiyaan!🍂
Tugaya, Youth Organization Est 2020
Taos-puso naming binabati ang mga bagong itinalagang opisyal mula sa Males’ Department at Females’ Department ng Lagaday O Dariday.
Nawa’y pagkalooban kayo ng Allah ng tawfīq, malalim na karunungan, at matatag na paninindigan sa inyong paglilingkod sa Ummah. Nawa’y maging gabay ninyo ang taqwa sa bawat desisyong inyong tatahakin.
Isang makasaysayang hakbang para sa aming organisasyon ang kauna-unahang pormal na paghihiwalay ng mga opisyal at miyembro ng kalalakihan at kababaihan at isang hakbang na isinagawa alinsunod sa mga alituntunin ng Islam.
Hindi man naging madali ang prosesong ito, puno man ng pagsubok at paghahanda, ngunit sa tamang oras at itinakdang panahon, ito ay ipinagkaloob ni Allah. Subhanallah!
Matagal na naming pinangarap at taimtim na ipinanalangin ang hakbang na ito. Sa awa at pahintulot ng Allah, ito ay tuluyang naisakatuparan, isang patunay na ang bawat adhikain na sinamahan ng sabr at du’a ay may magandang bunga.
Ang aming organisasyon ay mananatiling matatag sa pagtupad ng aming layunin:
— maglunsad ng makabuluhang mga inisyatibo,
— maging tinig ng kabataan,
— itaguyod ang kamalayang pangkalikasan,
— palaganapin ang kapayapaan,
— at magbahagi ng kaalaman hinggil sa Islam at Western Education.
Sa bagong yugto na ito, dalangin namin na patuloy kaming patnubayan ng Allah at pagkalooban ng mas higit pang tawfīq, upang maging tuloy-tuloy, makabuluhan, at kapaki-pakinabang ang aming mga sinimulan para sa kapakanan ng komunidad at ng Ummah.
Barakallahu feekum sa inyong lahat. Nawa’y gawin kayong kasangkapan ng kabutihan at pagbabago.🍂