19/08/2026
Attention: Again para bukas 😅
Ayan ok na bangs ko at alam ko po kanina pa na may declaration na ang MALACAÑANG. Nag effort lang po sa lay out.
📢 WALANG PASOK | AUGUST 20, 2026
Dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat) at alinsunod sa Memorandum Circular No. 131, s. 2026 ng Malacañang, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas (All Levels) sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Trece Martires.
Maaaring ipatupad ang alternative learning modes para sa pagpapatuloy ng pag-aaral, alinsunod sa mga patakaran at abiso ng bawat paaralan.
Para naman sa mga government offices, ipatutupad ang naaangkop na Alternative Work Arrangements. Ang mga tanggapan at personnel naman na kabilang sa basic and health services, disaster preparedness and response, at iba pang vital services ay magpapatuloy sa operasyon upang matiyak ang paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa publiko.
Samantala, ang suspensyon o pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga pribadong kumpanya at tanggapan ay nakadepende sa pagpapasya ng kanilang pamunuan.
Patuloy na mag-ingat at manatiling updated sa mga opisyal na abiso ng City Government of Trece Martires.
Mag-ingat at manatiling ligtas Treceño!
——————
☎️📞Emergency Hotlines:
🚨 Office of the City Disaster Risk Reduction and Management Officer (OCDRRMO)
📲 0977-676-3491
📲 0949-629-8026
🏥 Office of the City Health Officer (OCHO)
📲 0921-451-9099
📲 0999-921-0124
👥 Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO)
☎️ (046) 419-1313 local 114
👮 Trece Martires City Police (TMC PNP)
📲 0917-901-4619
📲 0998-598-5606
🚒 Bureau of Fire Protection – Trece Martires City Fire Station (BFP-TMCFS)
☎️ (046) 419-0057
📲 0945-238-8226