06/02/2026
❗️❗️❗️
PAGLULUNSAD NG WASTE RECYCLING FACILITY AT MASS COLLECTION NG BASURANG MAARING GILINGIN
LAYUNIN NG PROYEKTO
• Mabawasan ang basura sa komunidad
• Mahikayat ang tamang segregation ng basura
• Ipakilala at ilunsad ang bagong Waste Recycling Facility ng barangay
• Palakasin ang disiplina at kamalayan ng mamamayan sa waste recycling at environmental protection
ISKEDYUL NG KOLEKSYON
• Petsa: Tuwing Sabado at Linggo ng buong buwan ng Pebrero
• Oras: 4:00 PM – 6:00 PM
• Lugar: Buong nasasakupan ng Barangay (magiikot ang collection team)
PARAAN NG KOLEKSYON
• Ang Barangay Collection Team ay iikot sa bawat lugar ng sa Barangay Lapidario
• Ang mga residente ay hinihikayat na:
Maglabas ng basura sa tamang oras
Maayos na naka-segregate ang basura
Ilagay sa sako, eco-bag, o kahon ang mga recyclable
MGA BASURANG TINATANGGAP AT PUWEDENG GILINGIN NG MACHINE
PLASTIK Mga malinis at tuyo lamang ang tatanggapin tulad ng:
• Plastic bottles (softdrinks, tubig, juice)
• Plastic cups at lids
• Plastic food containers (microwaveable, take-out containers)
• Shampoo at conditioner bottles
• Detergent at fabric conditioner bottles • Plastic gallon containers
• Plastic bags (sando bag, supot – basta malinis)
• Sachet packaging (kape, shampoo, gatas – kung pinapayagan ng machine)
• Plastic straws at plastic spoons/forks • Hard plastics (timba, hanger, baso, planggana na plastik)
SALAMIN / BOTE (Glass Materials)
• Boteng salamin (softdrinks, beer, alak)
• Garapong salamin (kape, peanut butter, jam)
• Perfume bottles (walang takip)
• Cosmetic glass containers
• Medicine bottles (salamin)
• Salamin ng bintana o windshield
• Light bulbs at fluorescent lamps
PAALALA:
• Siguraduhing walang laman at hindi halo sa ibang basura
• Balutin ng papel o ilagay sa kahon para iwas aksidente
MGA HINDI TINATANGGAP (HINDI PUWEDENG GILINGIN)
• Basag na salamin na sobrang pino
• Ceramic, porcelain, tiles
• Styrofoam
• Rubber at goma
• Metal (lata, bakal, aluminum)
• Hazardous waste (baterya, kemikal, syringe)
• Maruming plastik na may langis o kemikal
MAHAHALAGANG PAALALA SA MGA RESIDENTE
• Linisin at patuyuin ang mga recyclable bago ilabas
• Huwag ihalo ang recyclable sa nabubulok na basura
• Sumunod sa oras ng koleksiyon
• Ang hindi naka-segregate ay maaaring hindi kolektahin