DepEd Tayo Youth Formation - Cavite Province

DepEd Tayo Youth Formation - Cavite Province DepEd Cavite-Youth Formation Program champions the holistic development of batang/ kabataang Cavite?
(1)

13/06/2026

LIVE! KALAMBAG! πŸ³οΈβ€πŸŒˆ Safe Schools for All: Pagbuo ng Ligtas at Inclusive na Paaralan

Para sa maraming kabataan, ang paaralan ay hindi lang tungkol sa pag-aaral. Madalas, dito rin nagsisimula ang pag-develop ng self-confidence at pagbuo ng mga pagkakaibigan. Dito rin dapat maramdaman ng bawat mag-aaral na sila ay ligtas, tanggap, at kabilang.

Pero para sa maraming LGBTQ+ learners, hindi ganito ang karanasan sa paaralan. Patuloy silang nakakaranas ng bullying, diskriminasyon, at iba pang uri ng exclusion na nakaaapekto sa kanilang pag-aaral at kapakanan. Sa pagdiriwang ng Pride Month, mahalagang pag-usapan kung tunay nga bang ligtas at welcoming ang ating mga paaralan para sa lahat.

Ano ang mga karaniwang hamon na nararanasan ng LGBTQ+ learners sa paaralan? Sapat ba ang mga umiiral na polisiya at proteksyon laban sa bullying at diskriminasyon?

Samahan muli ang KALAMBAG youth sa isang makabuluhang talakayan upang pag-usapan ang kalagayan ng LGBTQ+ learners at ang papel nating lahat sa pagbuo ng ligtas at inclusive na edukasyon.

πŸ’¬ Tara, maki-ambag sa usapan!

πŸ“… June 13, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines
πŸ“‘ LAPIS SeeSaw Channel

πŸŽ₯ Replays Available on YouTube:
πŸ‘‰ https://youtube.com/





06/06/2026

LIVE! KALAMBAG! πŸ“– General Education Noon at Ngayon Part 2: Mga Pagninilay ng Kabataan

Matapos ang ating nakaraang talakayan kasama si Atty. Severo Brillantes tungkol sa pagbabago ng General Education sa Pilipinas, panahon naman upang pakinggan ang mga boses ng kabataan.

Ano ang mga natutunan, tanong, at pagninilay na naiwan sa kanila pagkatapos ng usapan? Paano nila nauunawaan ang papel ng edukasyon sa kanilang buhay, at ano ang kanilang mga pananaw sa kinabukasan ng edukasyon sa bansa?

Samahan ang KALAMBAG youth sa isang bukas at makabuluhang talakayan habang kanilang binabalikan ang mga mahahalagang usapin na tinalakay sa nakaraang episode. Tutukan natin ang kanilang pagbabahagi ng sariling mga karanasan at pananaw sa edukasyon.

πŸ’¬ Tara, maki-ambag sa usapan!
πŸ“… June 6, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines
πŸ“‘ LAPIS SeeSaw Channel

πŸŽ₯ Replays Available on YouTube:
πŸ‘‰ https://youtube.com/





30/05/2026

LIVE! KALAMBAG! πŸ“– General Education Noon at Ngayon: Paano Ito Nagbabago?

Sa paglipas ng panahon, patuloy na nagbabago ang General Education (GenEd) sa Pilipinas. Mula sa mas malawak na old curriculum, papunta sa K-12 ngayon, at kamakailan, ang proposal ng CHED na β€œReframed General Education Curriculum.”
Bagamat ipinagpaliban muna hanggang 2028 ang pilot testing ng nasabing proposal, muling nabuksan ng usaping ito ang mahahalagang tanong tungkol sa direksyon ng edukasyon sa bansa.

Paano nababalanse ng edukasyon ang paghahanda para sa trabaho at ang mas malawak nitong papel sa paghubog ng kaisipan at pag-unawa sa lipunan? Sa patuloy na pagbabago ng GenEd, paano kaya naaapektuhan ang lalim ng pag-unawa sa ilang asignatura at larangan?

Samahan muli ang KALAMBAG youth sa isang makabuluhang talakayan kasama si Atty. Severo Brillantes, ang ating featured guest, upang pag-usapan ang pagbabago ng edukasyon sa paglipas ng panahon.

πŸ’¬ Tara, maki-ambag sa usapan!

πŸ“… May 30, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines
πŸ“‘ LAPIS SeeSaw Channel

πŸŽ₯ Replays Available on YouTube:
πŸ‘‰ https://youtube.com/





23/05/2026

REPLAY! KALAMBAG! International Museum Day 2025: Kuwentong Museo't Kabataan

Sa pagdiriwang ng International Museum Day 2025, samahan kami sa isang kuwentuhang puno ng sining, kasaysayan, at kultura.

Kuwentong Museo’t Kabataan dahil bawat kabataan ay may boses, at bawat museo ay may kuwentong dapat ibahagi.

πŸ“… May 24, 2025 | 12:00PM - 1:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines | LAPIS SeeSaw Channel






16/05/2026

LIVE! KALAMBAG! Pananaw ng Kabataan sa Reframed GenEd Curriculum

Kamakailan lang ay nagkaroon ang CHED ng public hearing para sa kanilang proposed policies, standards, at guidelines sa tinatawag na β€˜Reframed General Education Curriculum.’

Kabilang sa proposal na ito ang pagbawas ng GenEd units mula 36 units o 12 subjects, patungo sa 18 units o 6 subjects.

Bilang mga kabataang papasok o kasalukuyang nasa kolehiyo, mahalagang marinig ang kanilang pananaw sa usaping ito. Lalo na dahil malaking parte ito ng kanilang kinabukasan.

Samahan ang KALAMBAG youth sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa General Education curriculum, at ang mas malawak na papel ng kolehiyo sa paghubog ng kanilang kinabukasan.

πŸ’¬ Tara, maki-ambag sa usapan!
πŸ“… May 16, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines
πŸ“‘ LAPIS SeeSaw Channel

πŸŽ₯ Replays Available on YouTube:
πŸ‘‰ https://youtube.com/





02/05/2026

πŸŽ™οΈ KALAMBAG LIVE THIS SATURDAY!
Aral at Trabaho: Paano Natin Naiintindihan ang Realidad ng Working Students?

Kasabay ng paggunita ng Labor Day, pag-uusapan natin ang realidad ng mga kabataang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Hindi lahat ng estudyante ay pare-pareho ang sitwasyon. May mga kabataang kailangang magtrabaho upang masuportahan ang kanilang sarili at pamilya habang patuloy na hinahabol ang kanilang edukasyon.

Bilang kabataan, paano natin nauunawaan ang kanilang pinagdadaanan? Ano ang mga hamon na kinakaharap nila, at pare-pareho ba ang oportunidad ng lahat sa pag-aaral?

At higit pa rito, alam nating mahalaga ang edukasyon para sa mas magandang oportunidad sa trabaho, pero hanggang doon lang ba ito, o may mas malawak pa itong papel sa lipunan?

Samahan ang KALAMBAG youth sa isang makabuluhang talakayan tungkol sa working students, at kung paano tayo maaaring maging mas mulat at mas maunawain sa realidad ng isa’t isa.

πŸ’¬ Tara, maki-ambag sa usapan!
πŸ“… May 2, 2026 | ⏰ 1:00PM - 2:00PM
πŸ“ Kalambag's Official page
πŸ“Ί E-Net Philippines
πŸ“‘ LAPIS SeeSaw Channel

πŸŽ₯ Replays Available on YouTube:
πŸ‘‰ https://youtube.com/





Isang Makakalikasang Araw! 🌳 πŸ’šToday, we celebrate our planet, the only home we all share. Every small action counts in p...
22/04/2026

Isang Makakalikasang Araw! 🌳 πŸ’š

Today, we celebrate our planet, the only home we all share. Every small action counts in protecting and preserving the environment for future generations.

Let’s be part of the solution.
Together, we can make a difference.

22/04/2026

🌍 Earth Day 2026 | Environmental Awareness Campaign 🌱
Theme: "Our Power, Our Planet"

In celebration of Earth Day 2026, the Division Federated Youth for Environment in Schools Organization (DFYES-O) for S.Y. 2026–2027 proudly initiated and led an Environmental Awareness Campaign aimed at empowering the youth to become active stewards of our planet.

Together, we take a stand for a cleaner, greener, and more sustainable futureβ€”one action at a time. Let us raise awareness, inspire change, and protect the environment for generations to come.

♻️ Reduce. Reuse. Recycle.
🌿 Plant more, waste less.
πŸ’§ Conserve water. Save life.

The Earth is in our handsβ€”let’s take care of it. πŸŒπŸ’š

11/04/2026

π‘π„π‚πŽππ…πˆπ†π”π‘π„πƒ π‘π„π†πˆπŽππ€π‹ π’π‚π‡πŽπŽπ‹π’ 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐒 π‚πŽππ…π„π‘π„ππ‚π„ πŸπŸŽπŸπŸ”

As the National Schools Press Conference in Ormoc, Leyte approaches in two days, let us remember the pride and excellence that defined the recently reconfigured Regional Schools Press Conference held in Rizal from February 22–27. The week-long celebration of journalistic talent brought together the brightest young campus journalists across Region IV-A, all driven by passion, discipline, and the pursuit of truth. It was a stage where stories were sharpened, skills were tested, and camaraderie flourished among competing divisions.❀️

Amid fierce competition and remarkable performances, Cavite province once again proved its legacy of excellence by securing its 19th championship title among all divisions in the region. This milestone stands as a testament to the unwavering dedication of its student journalists, coaches, and supporters who continue to raise the bar year after year. As we look ahead to the national stage, may this victory serve as both inspiration and motivation to carry the torch of excellence even further.πŸ’›

🎨✍️: Vhenish Manalo Jeciel



Address

Trece Martires

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464120349

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Tayo Youth Formation - Cavite Province posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Tayo Youth Formation - Cavite Province:

Share