06/08/2026
𝑴𝒂𝒈𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒌𝒂𝒚𝒐, 𝒂𝒕 𝒌𝒂𝒚𝒐'𝒚 𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒚𝒂𝒏; 𝒂𝒏𝒈 𝒔𝒖𝒌𝒂𝒕 𝒏𝒂 𝒎𝒂𝒃𝒖𝒕𝒊, 𝒔𝒊𝒌𝒔𝒊𝒌, 𝒍𝒊𝒈𝒍𝒊𝒈, 𝒂𝒕 𝒖𝒎𝒂𝒂𝒑𝒂𝒘 𝒂𝒏𝒈 𝒊𝒃𝒊𝒃𝒊𝒈𝒂𝒚 𝒔𝒂 𝒊𝒏𝒚𝒐. — Lucas 6:38
Sa bawat pag-andar ng makina ay may isang pusong nagsisikap upang may maiuwi sa pamilya. Sa likod ng bawat pasada ng ating mga tsuper ng dyip, traysikel, at delivery riders ay may kwento ng sipag, tiyaga, at pag-asang hindi sumusuko. Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng krudo, mahabang oras ng trabaho, at pagod na kanilang dinadala, patuloy pa rin silang bumibiyahe upang may maiuwi sa kanilang pamilya.
Bilang pasasalamat sa sipag, tiyaga, at sakripisyong iniaalay ng ating mga tsuper ng dyip, traysikel, at delivery riders, inilulunsad ng Engaged Citizenship Pillar, katuwang ang Poverty Alleviation Pillar, ang 𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝘿𝘼: 𝙋𝙖𝙖𝙣𝙙𝙖𝙧 𝙣𝙜 𝙋𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖. Gaganapin ito sa Agosto 21, 2026, na may layuning makapaghatid ng libreng pagkain at gasolina bilang munting pagkilala at pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod sa ating komunidad. ✨️🫂
Sama-sama nating paandarin ang pag-asa. Maaari kayong maging bahagi ng 𝘼𝙍𝘼𝙉𝙂𝙆𝘼𝘿𝘼 sa pamamagitan ng pag-scan ng aming GCash QR Code at pagbibigay ng anumang halagang inyong makakaya. Walang maliit na tulong kung ito ay nagmumula sa pusong may malasakit, sapagkat sa bawat ambag ay may buhay na nabibigyan ng pag-asa.
𝙎𝙖 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮, 𝙢𝙖𝙮 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙡𝙞𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙗𝙪𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮. 𝙎𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙖𝙣𝙙𝙖𝙧𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖. 🧡💙🚍
✍️ Ms. Tresha V. Geriane | E.C SHS Advocate
🖼: Cody Yohan Santos | E.C SHS Advocate