23/07/2025
๐๐๐ง๐๐๐๐๐๐ก | ๐๐๐น๐ถ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐: ๐๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐๐๐ถ๐ป๐ถ๐ด๐ถ๐น ๐ก๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ ๐ป๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐๐ฑ๐๐ฎ๐ป๐๐ฒ
Nitong Hulyo 21, naitala ang ikatlong pagkakataon ngayong buwan na maraming lokal na pamahalaan ang nahuling magsuspinde ng mga klase.
Sa Quezon City, inanunsyo ang pagtigil ng klase sa mga pampublikong paaralan pasado alas-onse ng umaga. Maraming mag-aaral ang umuwi sa kani-kanilang mga bahay nang basang-basa sa ulanโmay mga estudyanteng napilitang maligo na lamang sa ulan dahil sa malakas na buhos ng ulan at hangin dulot ng habagat.
Hindi ito ang unang beses na nangyari sa Quezon City. Noong Hulyo 3 at Hulyo 18, pinatigil din ang panghapong klase dahil sa masamang panahon dulot ng habagat.
Dahil sa tatlong sunod-sunod na suspensyon sa mga panghapong klase, umaaray ngayon ang maraming pang-umagang estudyante sa hindi patas na kalakaran. Habang ligtas nang nakakapagpahinga ang mga panghapon, ang mga estudyanteng pang-umaga ay pumapasok sa tamang oras ng klaseโsumisisid sa baha, basang-basa ang mga damit at gamit, at sinusugal ang kaligtasan at kagamitan upang makapasok lamang sa paaralan.
Ngunit ano nga ba ang nangyayari?
Pumasok kang basang-basa. Umuwi kang basang-basa.
Hanggang kailan magiging huli ang lahat bago kumilos ang kinauukulan?