The Bolster PH

The Bolster PH A nonprofit organization that aims to provide support and assistance to our fur-buddies just like a Bolster.
(2)

31/07/2026

NA MISS NYO BA SI BROWNIE? 🐾

All is well for Brownie. Malusog, magana kumain at poging pogi na!
Complete vaccine na din po sya. Maraming salamat sa ating Vet na tumutok sa pagpapagaling ni Brownie. Maraming salamat din po sa lahat ng sumubaybay sa kanyang journey πŸ’›πŸ’™

15/07/2026

UPDATE PO KAY BROWNIE 🐾

Natapos na po ni Brownie ang kanyang chemotherapy at tuluyang nawala na po ang mass sa kanyang private part. At this moment, maayo, malusog at magana pa din po sya kumain.

Unti unti na din po na ibinibigay kay Brownie ang mga kailangan nyang vaccine gaya ng Anti Rabies, 8 in 1 vaccine at Kennel Cough.

Salamat po sa inyong lahat na nag antabay sa kanyang paggaling πŸ™

10/07/2026

UPDATE ON MAX 🐾

Remember Max? Siya po ay isa sa aming rescue dog na may malaking bukol sa bibig. So far, maayos na po si Max at wala na ang lump sa kanyang bibig sa after several chemotherapy and continous medication.

He is now living his best life. Malusog at masigla.
Masaya kaming makitang healthy ka, Max! πŸ’›

06/07/2026

REMINDER SA LAHAT NG RESCUERS AND STRAY FEEDERS NGAYONG MAY PAPARATING NA BAGYO 🐾

1. If possible, ilipat muna sa safe, dry, at elevated area ang mga rescues at foster animals para maiwasan ang baha at malakas na hangin.

2. Mag-stock ng enough food, clean water, at maintenance meds good for a few days in case hindi agad makalabas.

3. Double check ang cages, kennels, at shelters. Make sure secure ang bubong at hindi madaling pasukin ng ulan o baha.

4. If hindi kayang mag-rescue, kahit mag-iwan lang ng food and water sa elevated areas before lumakas ang ulan, malaking help na iyon.

5. Keep your emergency contacts handy at i-charge ang phones at power banks habang may kuryente pa.

6. Most importantly, unahin din natin ang sariling safety. We can help more animals if we're safe too.

Let's all look out for our strays and for each other. Stay safe everyone, and hoping na malampasan nating lahat ang bagyong paparating πŸ™


04/07/2026

RESCUE UPDATES! πŸ’™πŸ’›

🐾 BROWNIE
Bagong kapon na po si Brownie. Masigla at magana pa rin po siyang kumain. Ongoing pa rin po ang weekly CBC niya para ma-monitor at masigurong stable ang kanyang blood values.

🐾 LUCKY
Tuyo na po ang mga sugat ni Lucky at tuloy-tuloy pa rin po ang gamutan niya para sa blood parasitism. Kapag tumaas na po ang kanyang platelets, pwede na rin po siyang ikapon.

🐾 NONOY
Patuloy pa rin po ang supplements ni Noy at naka-intestinal diet muna siya dahil naging malambot ang kanyang dumi nitong mga nakaraang araw. Sa kabila nito, magana pa rin po siyang kumain at nananatiling masigla.

Pagaling kayo ng mabuti Brownie, Lucky at Noy! πŸ’•

23/06/2026

INIP NA SI BROWNIE 🐾

May months na din po since naadmit si Brownie para sa kanyang treatment. Mukhang inip na sya at gusto ng makita ang outside world!

Sa mga gusto pong bumisita kay Brownie sa vet, heads up nyo lang po kami.

Malusog at masigla po yang si Brownie baka naiingayan lang din po sya kay Lucky πŸ˜‰

Pagpray nyo po ang tuluyan nyang paggaling πŸ™


18/06/2026

UPDATE ON LUCKY 🐾

Kanina po ay napansin ng Vet na umihi siya ng may dugo kaya agad po nag run ng CBC at blood chemistry para mamonitor ang kanyang blood values.

Sa resulta po ng mga tests, nakita na kahit tuloy-tuloy ang kanyang gamutan at mga supplements, humina po ang kanyang immune system at anemic din po siya. Mababa pa rin po ang kanyang platelets, pero may kaunting pagtaas naman kumpara noong nakaraang linggo. Mabuti na lamang at maayos pa rin po ang liver at kidney function niya. Napansin din po ng Vet na hindi siya masyadong umiinom ng tubig.

Agad naman po siyang nabigyan ng gamot para makatulong sa pagpapatigil ng pagdurugo, at tuloy-tuloy pa rin po ang pagbibigay ng kanyang mga maintenance medications. Sa ngayon ay under close monitoring po si Lucky upang mabantayan nang mabuti ang kanyang kalagayan.

However, malakas pa rin po siyang kumain, masigla, at maingay pa rin gaya ng dati.

Sana po ay ipagdasal natin unti-unti na siyang gumaling.

17/06/2026

BAKIT MAHALAGA ANG MICROCHIPPING SA INYONG PETS? 🐾

Marami pong pets ang nawawala araw-araw, at isa sa pinakamabisang paraan para maibalik sila sa kanilang pamilya ay ang microchipping.

Ang microchip ay isang maliit na device na inilalagay sa ilalim ng balat ng pet. Kapag na-scan ito ng vet clinic, animal shelter, o rescue group, makikita ang impormasyon na makakatulong para mahanap ang owner.

βœ… Mas mataas ang chance na makauwi ang nawawalang pet
Kahit mawala ang collar o ID tag, nandun pa rin ang microchip.

βœ… Permanenteng identification
Hindi ito madaling mawala o matanggal kumpara sa collar at tags.

βœ… Nakakatulong sa mga rescuers at veterinarians
Mas mabilis nilang makokontak ang owner kapag may nakitang nawawalang pet.

βœ… Additional proof of ownership
Makakatulong din ito kung sakaling mawala o manakaw ang alagang hayop.

Ang microchipping ay hindi po garantiya na hindi mawawala ang ating pets, pero malaking tulong ito para mas mapadali ang kanilang pag-uwi sa kanilang pamilya.

16/06/2026

UPDATE KAY NONOY 😻

Good news po kay Nonoy!

Nakuha na po namin ang CBC result niya today at masaya po kaming ibalita na bumaba na ang infection niya kumpara sa huling CBC na ginawa 7 days ago.

Tuloy-tuloy pa rin po ang kanyang antibiotic at iba pang supplements para masigurong tuluyan nang mawala ang infection. Nakaschedule po ulit siyang kuhanan ng CBC sa June 21 at sana po ay mas gumanda pa ang resulta.

Sa ngayon, wala naman po kaming dapat ipag-alala dahil malakas kumain si Noynoy, magana ang appetite, at masigla pa rin siya. Talagang nakakatuwang makita na unti-unti siyang bumubuti.

Address

Tondo

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when The Bolster PH posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share