Alablahi - Lalig NHS Filipino Club

Directions

Alablahi - Lalig NHS Filipino Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Alablahi - Lalig NHS Filipino Club, Nonprofit Organization, Barangay Lalig, Tiaong.

16/09/2025

"𝗬𝗘𝗦𝗛𝗔'𝘀 𝗽𝗲𝗻 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁𝘀 𝘃𝗶𝗰𝘁𝗼𝗿𝘆, 𝗥𝗦𝗣𝗖 𝗮𝘄𝗮𝗶𝘁𝘀 𝗽𝗿𝗼𝘂𝗱𝗹𝘆!"🥉👏

Proud moment! 🎉 Laligian's Press Editorial Cartoonist, 𝐘𝐞𝐬𝐡𝐚 𝐌𝐚𝐞 𝐂𝐮𝐞𝐭𝐨 shines bright, winning 3RD PLACE in Column Writing (Secondary) at the Division School's Press Conference (DSPC) 2025 in Lucban, Quezon! This achievement earns her a spot in the Regional School's Press Conference (RSPC) 2025! We can't wait to see her conquer the next level! We, 𝐋𝐀𝐋𝐈𝐆𝐈𝐀𝐍𝐒, officially 𝙍𝙎𝙋𝘾 𝙌𝙐𝘼𝙇𝙄𝙁𝙄𝙀𝙍!

✍️ & 🎨 | Jenna Claire R. Manalo

31/08/2025
Ika-29 ng Agosto 2025, muling umalab ang diwa ng pagiging Pilipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Lalig nang ipagdiw...
30/08/2025

Ika-29 ng Agosto 2025, muling umalab ang diwa ng pagiging Pilipino sa Mataas na Paaralang Pambansa ng Lalig nang ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa.”

Sa saliw ng masiglang tugtugin ng Lalig Drum and Lyre Corps, marangal na nagsimula ang pagdiriwang sa pamamagitan ng makulay na parada ng mga mag-aaral na nakabihis ng mga makukulay na kasuotang Pilipino. Kasama nila ang mga g**o na nagsilbing huwaran ng karunungan at dangal, maririkit ang mga ngiti at marubdob ang diwa ng pagkakaisa.

Bilang pagbubukas, nagbigay ng makabuluhang mensahe si Bb. Krystal Andal, na nagpaalala sa kahalagahan ng ating wika bilang haligi ng kultura at pagkakakilanlan. Sinundan ito ng pagbibigay-parangal sa mga nagwagi sa naunang mga paligsahan gaya ng paglikha ng poster at paglikha slogan.

Higit pang nagningning ang selebrasyon nang ipamalas ng mga mag-aaral ang kani-kanilang husay at talento sa interpretatibong pagbasa, masiglang sayaw, at makabagbag-damdaming pagtula. Kaagad na iginawad ang tropeo at medalya sa mga nagtagumpay, kasabay ng koronasyon sa mga napiling Lakan at Lakambini ng Wika, na kumakatawan sa ganda, talino, at dangal ng kabataang Pilipino.

Hindi lamang sa sining at talino umikot ang pagdiriwang, sapagkat sa hapon ay naging mas masigla ito sa pamamagitan ng mga palarong lahi tulad ng sack race, pukpok palayok, at Pinoy Henyo, mga larong nagpapaalala ng halakhak at samahan sa kulturang Pilipino.

Sa bawat ngiti at sigaw ng tuwa, dama ang walang kapantay na galak ng mga g**o at mag-aaral. Bilang pangwakas, nagbigay ng taos-pusong pasasalamat si G. Adelo G. Magnaye sa lahat ng mag-aaral, g**o, at kawani ng barangay na naging katuwang sa matagumpay na pagdiriwang.

At sa huli, nag-iwan ng isang makapangyarihang paalala ang buong pagdiriwang:
“Sa wika, may pagkakaisa; sa pagkakaisa, may pag-unlad.”

✍️: Angelica Mae K. Mote
🎨: Eljay O. Glorioso
📸: Jenna Claire R. Manalo at Angela Teñoso

𝘼𝙍𝘼𝙒 𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉𝙄🇵🇭📜Hindi lang sila mga pangalan sa kasaysayan — kundi isang pangalang piniling lumaban at isuko ang la...
25/08/2025

𝘼𝙍𝘼𝙒 𝙉𝙂 𝙈𝙂𝘼 𝘽𝘼𝙔𝘼𝙉𝙄🇵🇭📜

Hindi lang sila mga pangalan sa kasaysayan — kundi isang pangalang piniling lumaban at isuko ang lahat para sa isang mas malaking layunin: ang kalayaan ng ating bayan.

Ang iniwan nilang sakripisyo ay naging 𝘼𝙡𝙖𝙗𝙡𝙖𝙝𝙞—isang apoy ng lahi na nananatili at mananatiling buhay sa mga Pilipino.

Sa araw na ito, ating alalahanin: Ang pagiging bayani ay hindi natatapos sa nakaraan. Tayo mismo ang magpapatuloy ng apoy ng Alablahi sa kasalukuyan at sa hinaharap. ✨

𝙈𝙖𝙝𝙖𝙡𝙞𝙣, 𝙏𝙖𝙣𝙜𝙠𝙞𝙡𝙞𝙠𝙞𝙣 𝙖𝙩 𝘼𝙡𝙖𝙡𝙖𝙝𝙖𝙣𝙞𝙣 natin ang mga bayani natin!

✍️: Zaijay Lester M. Sinarao
🎨: Eljay O. Glorioso

𝐀𝐋𝐀𝐁𝐋𝐀𝐇𝐈 - 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙞𝙙𝙚𝙧, 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙜𝙡𝙖'𝙩 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗!🇵🇭🔥Ipinakikilala namin ang mga bagong opisyales ng ALA...
21/08/2025

𝐀𝐋𝐀𝐁𝐋𝐀𝐇𝐈 - 𝘽𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙢𝙜𝙖 𝙡𝙞𝙙𝙚𝙧, 𝙗𝙖𝙜𝙤𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙜𝙡𝙖'𝙩 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗!🇵🇭🔥

Ipinakikilala namin ang mga bagong opisyales ng ALABLAHI, ang Filipino Club ng ating paaralan! Sila ang magiging lider at gabay sa ating mga gawain at proyekto, na may layuning palawakin ang ating kaalaman at pagmamahal sa wikang Filipino at kulturang Pilipino, lalo ngayong Buwan ng Wika.

Sa kanilang mga puso at isipan, ating ipagkakatiwala ang kinabukasan ng ating club at ang pagyabong ng ating mga adhikain. Mula sa Pangulong puno ng mga adhikain at pangarap, hanggang sa mga Kinatawang masasayang nag-rerepresenta sa kanilang mga bawat baitang. Sama-sama nating suportahan at bigyang-pugay ang ating mga bagong opisyales sa kanilang walang sawang pagmamahal sa ating wika at bansa.

Patnugot: Eljay O. Glorioso
Isinulat ni: Jenna Claire R. Manalo

𝐀𝐋𝐀𝐁𝐋𝐀𝐇𝐈 : 𝙉𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤🇵🇭🔥Sa pagbubukas ng bagong yugto at pag-papatuloy ng pag-diriwa...
20/08/2025

𝐀𝐋𝐀𝐁𝐋𝐀𝐇𝐈 : 𝙉𝙖𝙜-𝙖𝙖𝙡𝙖𝙗 𝙖𝙣𝙜 𝙙𝙖𝙢𝙙𝙖𝙢𝙞𝙣 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙡𝙖𝙝𝙞𝙣𝙜 𝙋𝙞𝙡𝙞𝙥𝙞𝙣𝙤🇵🇭🔥

Sa pagbubukas ng bagong yugto at pag-papatuloy ng pag-diriwang ng Buwan ng Wika, ipinakikilala namin ang mga g**ong tagapayo ng aming minamahal na Filipino Club, 𝘼𝙇𝘼𝘽𝙇𝘼𝙃𝙄!

Ang mga g**ong ito ay may dalang apoy ng karunungan, liwanag ng gabay, at pagmamahal sa wikang Filipino. Sila ang magiging gabay at inspirasyon sa mga mag-aaral sa paglalakbay tungo sa kahusayan at pagmamahal sa ating wika at kultura.

Sa kanilang mga kamay, ating ipagkakatiwala ang kinabukasan ng ating wika at panitikan. Sila ang magbibigay-liwanag sa ating landas tungo sa kaalaman at kahusayan.

Patnugot: Eljay O. Glorioso
Isinulat ni: Jenna Claire R. Manalo

💯🇵🇭
09/08/2025

💯🇵🇭

✨ Happy National Indigenous Peoples Day! ✨

Today, we proudly celebrate the rich heritage, traditions, and resilience of our Indigenous Cultural Communities/Indigenous Peoples. This year’s theme — ‘Indigenous Peoples and AI: Defending Rights, Shaping Futures’ — calls on us to embrace innovation while safeguarding the rights, cultures, and identities of our IPs in the digital age.

Let us honor their invaluable contributions in protecting our lands, preserving ancestral wisdom, and guiding us toward a future where technology and tradition work hand in hand. Together, we stand for unity, respect, and the empowerment of our Indigenous Peoples. 💛

06/08/2025
05/08/2025

Address

Barangay Lalig
Tiaong

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Alablahi - Lalig NHS Filipino Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share