RCC Peace and Wellness Centre

Directions Website

RCC Peace and Wellness Centre Empowering mothers, youth, families, and communities to build peace, resilience, and wellbeing through education, connection, and compassionate support.

Creating safe spaces where healing begins and hope grows.

It’s time for EXPRESS & EXPLORE at the RCC Peace Center! πŸŽ¨πŸŒ±πŸ’šItong Linggo na!πŸ•— 8:00 ng umagaIsang umaga ng sining, saya, ...
04/09/2026

It’s time for EXPRESS & EXPLORE at the RCC Peace Center! πŸŽ¨πŸŒ±πŸ’š

Itong Linggo na!
πŸ•— 8:00 ng umaga

Isang umaga ng sining, saya, pagkatuto, at pagkakaibigan para sa ating mga bata at kabataan.

Maraming salamat sa Ilaw ng Tahanan sa patuloy na pagsuporta at pagpapatuloy ng programang ito para sa pagpapalakas ng ating mga anak - ang kanilang kumpiyansa, pagkamalikhain, kabutihan, at kakayahang makipag-ugnayan sa iba.

Kasama natin sina Coach Glenda at Ate Rinna para magbahagi ng aral at sining habang sama-sama tayong nag-e-express, nag-e-explore, at natututo. 🌈

CREATE β€’ CONNECT β€’ LEARN β€’ GROW β€’ BELONG

πŸ’š Mindful and kinder. Brighter possibilities.

Kita-kits sa RCC Peace Center!

August 31 at 4pm sa Sitio Sala Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon. Isang pagdiriwang para sa mga bataan. Isang ugnayan pa...
31/08/2026

August 31 at 4pm sa Sitio Sala Barangay Lumingon, Tiaong, Quezon.

Isang pagdiriwang para sa mga bataan.
Isang ugnayan para sa kanilang kalakasan.

Tara! Sali ka!

Kapag may taong nahihirapan, alam mo ba kung paano ka tutugon?Minsan, gusto talaga nating makatulong.Pero hindi natin al...
24/08/2026

Kapag may taong nahihirapan, alam mo ba kung paano ka tutugon?

Minsan, gusto talaga nating makatulong.

Pero hindi natin alam kung ano ang sasabihin.

Magbibigay ba tayo ng advice?
Susubukan ba nating ayusin ang problema?
Makikinig lang ba tayo?
Paano tayo makikinig nang walang judgment?
At paano natin malalaman kung kailangan na niya ng additional support?

These are skills we can learn.

Bilang tugon sa growing emotional and mental stresses na nakikita natin sa ating mga kabataan, pamilya, at komunidad, RCC Ilaw ng Tahanan is initiating a 2-Day L.O.V.E. Framework Workshop at the RCC Peace Center.

Hindi ito tungkol sa pagiging mental health professional.

It is about learning how to be there for someone.

Kung paano makinig.
Kung paano maging open at hindi mapanghusga.
Kung paano kilalanin at tanggapin ang nararamdaman ng iba.
Kung paano tumugon nang may empathy at compassion.
At kung paano mag-encourage ng help-seeking at appropriate next steps kapag kailangan.

πŸ’š L β€” Listening
πŸ’š O β€” Openness
πŸ’š V β€” Validating
πŸ’š E β€” Empathizing
πŸ’š E β€” Encouraging

Open ang workshop sa lahat ng adults 18 years old and above - parents, teachers, volunteers, community leaders, young adults, at iba pang gustong matutong maging mas handang tumugon kapag may taong nangangailangan.

No professional background required.

At dahil gusto nating maging natural at comfortable ang conversations, the workshop will be facilitated in Taglish β€” Tagalog + English.

πŸ“… September 6 & 13, 2026
⏰ 9:00 AM–4:00 PM
πŸ“ RCC Peace Center, Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon

This is a full two-day workshop, kaya required ang attendance sa parehong araw.

πŸ’š CONTRIBUTE WHAT YOU CAN

Gusto naming maging accessible ang learning na ito.

Suggested contribution is β‚±1,000 for the full two-day workshop, kasama na ang learning materials at light refreshments for both days.

Give less if you need to. Give more if you can.

Kung kaya mong magbigay nang higit, your additional contribution can help another person participate and support the ongoing programs of the RCC Peace Center.

At kung hindi kaya ang β‚±1,000, magbigay kung ano ang kaya.

Cost should not be a barrier to participation.

Limited to 40 participants para magkaroon tayo ng sapat na oras at space para sa meaningful conversations, learning, at practice.

πŸ“² Scan the QR code on the flyer to register
or contact 0936 948 9671.

Hindi lang professionals at institutions ang may kakayahang gumawa ng difference sa emotional well-being ng ating community.

Minsan, nagsisimula ito sa isang ordinaryong tao na marunong makinig.

Learn how to be there when someone needs you. πŸ’š

SESSION 4 | GRATITUDE & POSITIVITY πŸ’šHindi lahat ng araw ay magandang araw.May mga araw na mahirap.May mga araw na mabiga...
22/08/2026

SESSION 4 | GRATITUDE & POSITIVITY πŸ’š

Hindi lahat ng araw ay magandang araw.

May mga araw na mahirap.
May mga araw na mabigat.
May mga araw na hindi natin alam kung paano haharapin ang mga bagay.

At okay lang iyon.

Ang pagiging positibo ay hindi nangangahulugang kailangan nating itago o balewalain ang ating nararamdaman.

Maaari nating unawain ang bigat na nararamdaman natin, habang hinahanap din natin kung ano ang makapagbibigay sa atin ng kaunting gaan.

Isang mabuting salita.
Isang taong nakikinig.
Isang yakap.
Isang magandang tanawin.
Isang malalim na paghinga.
Isang maliit na bagay na nagdulot ng saya.
Isang sandali ng kapayapaan.

Dahil kahit hindi maganda ang buong araw, maaaring may magandang sandali pa rin.

At kapag natutunan nating mapansin ang mabuti, natututo rin tayong pahalagahan ito.

Hindi natin kailangang piliting maging okay agad agad.
Matututo lang tayong makita kung ano ang mabuti - kahit sa gitna ng mahirap na araw. 🌱

Bukas sa ating PEACE CENTER, sama-sama nating sasanayin ang ating sarili na huminto, mapansin, at magpasalamat.

Dahil may kabutihan lagi na maaaring makita.
At minsan, kailangan lang nating bigyan ito ng pansin para ito ang lumago πŸ’š

Project Mind Care | Session 4
Gratitude & Positivity





Strengthening.Expanding.Tomorrow at the RCC Peace Center. For mothers and youths 🌠
14/08/2026

Strengthening.

Expanding.

Tomorrow at the RCC Peace Center.

For mothers and youths 🌠




Express and Explore "Mind Care"Halina at sabay sabay tayong Matuto at magbahagi ngayong July 26,2026( Sunday) 8:00 am  C...
21/07/2026

Express and Explore

"Mind Care"

Halina at sabay sabay tayong Matuto at magbahagi ngayong July 26,2026( Sunday) 8:00 am Centre

Kita kits po

"A healthy Mind, A happier You'

Partner with us as we build peace from within.One mother at a time.  One family at a time.  One community at a time.Toge...
12/07/2026

Partner with us as we build peace from within.

One mother at a time.
One family at a time.
One community at a time.

Together, we can create spaces where healing begins, resilience grows, and hope is restored.

Learn more and discover how you can be part of the journey.

Let’s Create Lasting Impact.

πŸ’š

Rotary Community Corps Peace and Wellness Center. A safe space for mothers, children and youths. To heal. To learn. To grow. To build peace from within. To advance mental health.

07/06/2026

Paano nga ba nagsisimula ang pagbabago para sa kapayapaan, kagalingan, at kalakasan?

Sa RCC Center, nagsimula ito sa mga ina.

Mga inang sa kabila ng mga pagsubok, pagod, at mga pasaning dala ng buhay ay natuklasan ang kanilang likas na lakas - ang kakayahang bumangon, magmahal, maghilom, at makaranas ng mas mapayapang kaisipan, mas magaan na damdamin, at mas matatag na kalooban.

Mula sa kanilang mga kwento ng paghilom at pag-asa, isinilang ang isang hangarin:

Paano kung mas marami pang ina ang mabigyan ng pagkakataong makaramdam ng ginhawa sa gitna ng kanilang mga pinagdaraanan?

At mula sa hangaring iyon, lumawak pa ang pangarap.

Isang pangarap na mabigyan ng gabay ang mga kabataan upang makilala ang kanilang sariling halaga, makagawa ng mabubuting pagpili, at mapalayo sa mga bagay na maaaring makasira sa kanilang isip, puso, at mga gawain.

Sa RCC Center, nagsasama-sama ang mga Rotarians at non-Rotarians upang magtaguyod ng isang ligtas at mapagkalingang lugar - isang lugar kung saan maaaring magtanim ng malasakit, magpalago ng pag-asa, at magpatibay ng tiwala sa isa’t isa.

Dahil naniniwala kami na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa isang tao, isang pamilya, isang komunidad sa bawat pagkakataong may nakikinig, umaalalay, at nagmamalasakit.

Para sa kapayapaan.
Para sa kagalingan.
Para sa kalakasan.

Para sa ngayon. At para sa mga susunod pang henerasyon.

β€œKapag ang isang tao ay naghihilom, may pamilyang lumalakas. Kapag ang pamilya ay lumalakas, may komunidad na nagiging mas mapayapa. At kapag ang mga komunidad ay nagkakaisa sa malasakit, nagsisimula ang tunay na pagbabago.”







30/05/2026

Nearly four years ago, a stone was cast into the water, creating a ripple that continues to expand today through the RCC Center.

What began as a simple act of service and a belief in people has grown into a community of healing, growth, and possibility.

As we remain guided by Rotary’s values of service, fellowship, integrity, and peace, the ripples will continue to reach farther than we can imagine. And for that, we have every reason to celebrate- not just where we are today, but the future we are creating together.

Here's to creating change from within- in our hearts and in our homes!

And here's to creating lasting impact in the community and the world!

Address

Barangay Lusacan
Tiaong
4325

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RCC Peace and Wellness Centre posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share