Teresa Local People's Council

Directions

Teresa Local People's Council Teresa Local People's Council

TINGNAN | Nakiisa ang Teresa Local People’s Council sa pagdiriwang ng Councilor’s Week ng 29th Sangguniang Bayan ng Tere...
11/09/2026

TINGNAN | Nakiisa ang Teresa Local People’s Council sa pagdiriwang ng Councilor’s Week ng 29th Sangguniang Bayan ng Teresa sa pamamagitan ng isang Tree Planting Activity na ginanap ngayong September 11, 2026.

Katuwang sa aktibidad ang mga pangulo at kinatawan ng iba’t ibang Civil Society Organizations (CSOs) at NGOs ng Bayan ng Teresa, bilang pakikiisa sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan at sama-samang pagkilos para sa komunidad.

03/07/2026
Ika-128 Araw ng Kalayaan ng PilipinasInaanyayahan ang lahat na makiisa sa paggunita ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilip...
05/06/2026

Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

Inaanyayahan ang lahat na makiisa sa paggunita ng Ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ating bayan.

Magsisimula ang programa sa Banal na Misa sa St. Rose of Lima Parish sa ganap na 6:00 ng umaga, susundan ng Parada ng Kalayaan patungo sa Pamahalaang Bayan, at magtatapos sa Pag-aalay ng Bulaklak sa Teresa Municipal Grounds bilang pag-alala at pagpupugay sa mga bayaning nagtaguyod ng kalayaan at kasarinlan ng ating bansa.

Ang lahat ng grupo, organisasyon, konseho, at sektor ng Local People's Council, kasama ang iba pang mga mamamayan, ay inaanyayahang makibahagi sa nasabing programa bilang pagpapakita ng paggalang sa ating kasaysayan at pagpapahalaga sa kalayaan ng sambayanang Pilipino.

Makiisa at makilahok sa paggunita ng mahalagang araw na ito para sa ating bansa.

BUKAS Ordinance Earns Unanimous Support from the Local People’s Council!Noong March 7, 2026, buong pagkakaisang inapruba...
10/03/2026

BUKAS Ordinance Earns Unanimous Support from the Local People’s Council!

Noong March 7, 2026, buong pagkakaisang inaprubahan ng Local People’s Council ang panukalang BUKAS Ordinance (Bukas na Ugnayan at Aktibong Sambayanan) matapos itong makakuha ng unanimous vote na 12–0 mula sa mga dumalong Sectoral Representatives.

Sa boto ng labindalawang kinatawan, handa ng iendorso ang panukala sa Sangguniang Bayan para sa pormal na pagtalakay at susunod na proseso ng lehislasyon.

Ang pagkakaisang ito ay nagpapakita ng sama-samang hangarin ng iba’t ibang sektor na palakasin ang mas bukas na ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan, at hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng komunidad sa paghubog ng mga lokal na polisiya.

Address

Teresa
1180

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Teresa Local People's Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share