02/07/2026
ππ HOOPS OF PRIDE 2026 ππ
Noong June 26, 2026, buong puso at buong pagmamalaking nakiisa ang UGAT β United G**s Association of Teresa sa matagumpay na pagdaraos ng HOOPS OF PRIDE: A Celebration of Diversity and Inclusion in Sports sa pamununo ng LYDO Teresa Rizal Local Youth Development Office
At salamat sa suporta ni Mayor Hon. Rodel N. Dela Cruz at ng Sangguniang Bayan ng Teresa.
Bilang bahagi ng aming adhikain na isulong ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at inklusibong komunidad, ikinagagalak naming maging katuwang sa makabuluhang aktibidad na ito na nagbigay ng saya, inspirasyon, at pagkakataong maipakita ang tunay na diwa ng sportsmanship.
Lubos din kaming nagpapasalamat sa aming official partner, KANTO CRAVINGS, sa kanilang walang sawang suporta at sa paghahanda ng masasarap na pagkain para sa ating mga manlalaro, volunteers, at mga dumalo. Sa pamamagitan ng kanilang serbisyo, nabigyan ng dagdag-lakas at sigla ang ating mga atleta upang maipagpatuloy ang bawat laban sa loob ng court. Lake Anne Garrovillas-San Diego
Sa UGAT, naniniwala kami na ang tunay na tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa panalo sa laro, kundi sa pagkakaisang nabubuo, paggalang sa bawat isa, at pagmamahal sa komunidad.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa at sumuporta. Hangad naming mas marami pang ganitong programa na magbibigay inspirasyon at magpapatibay sa samahan ng bawat TeresaΓ±o.
Together, we play. Together, we serve. Together, we celebrate diversity. π³οΈβπππ