IMMA HOA Abuyod Youth Leaders Council

IMMA HOA Abuyod Youth Leaders Council Official page of IMMA HOA Abuyod Youth Leaders

Masayang araw mga batang Abuyod!Sharing some of the few snaps from the Grand Santacruzan Year 5 with AYLC. 👑🤍
27/05/2026

Masayang araw mga batang Abuyod!

Sharing some of the few snaps from the Grand Santacruzan Year 5 with AYLC. 👑🤍

Masayang araw mga batang Abuyod!Present and ready to grow, lead, and represent! Narito na ang delegates ng IMMA HOA AYLC...
23/05/2026

Masayang araw mga batang Abuyod!

Present and ready to grow, lead, and represent!

Narito na ang delegates ng IMMA HOA AYLC para makiisa sa Project Hubog Kabataan 2026 — isang pagkakataon para mas mapalawak ang kaalaman, mas mapatatag ang paninindigan, at mas mapalalim ang malasakit sa komunidad.

Hindi lang ito simpleng training, kundi isang hakbang tungo sa mas responsableng pamumuno at mas makabuluhang paglilingkod bilang kabataan. Sama-sama tayong huhubog ng mga lider na may boses, prinsipyo, at puso para sa bayan.

Padayon, kabataang Teresano! 💪

Masayang araw mga batang Abuyod!Here's another update we'd like to share sa inyo. Hindi lang tungkol sa leadership ang F...
13/05/2026

Masayang araw mga batang Abuyod!

Here's another update we'd like to share sa inyo.

Hindi lang tungkol sa leadership ang FutureCraft 2026 — kundi tungkol din ito sa kung paano magiging mas mabuting boses, lingkod, at inspirasyon para sa kapwa kabataan.

Sa loob ng tatlong araw, iba’t ibang youth leaders ang nagsama-sama upang matuto tungkol sa Gender and Development (GAD), inclusive leadership, at responsive governance. Mas naging meaningful ang experience dahil hindi lang ideas ang nabuo, kundi pati confidence, perspective, at realization na may mas malaking role ang kabataan sa paghubog ng future ng community. 💡

Bilang kinatawan ng council, proudly na nakilahok si AYLC Block Leader Nicole Bonifacio and Harvey Ilagan sa FutureCraft: Annual GAD Leadership Training noong May 8–10, 2026. Isang opportunity ito para mas mapalawak ang kaalaman at mas mapalakas ang leadership na may malasakit, inclusivity, at tunay na serbisyo.

Patuloy nating i-craft ang future na may boses para sa lahat. 💙







Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay, mama, inay, mommy, lola, at sa mga tumayong nanay para sa iba. 🤍Ngayong tumatanda ...
09/05/2026

Happy Mother’s Day sa lahat ng nanay, mama, inay, mommy, lola, at sa mga tumayong nanay para sa iba. 🤍

Ngayong tumatanda na kami, mas lalo naming nare-realize na hindi pala biro yung mga sinakripisyo niyo para lang mapalaki kami nang maayos. Yung mga puyat, pagod, pag-aalala, pagtitiis, at mga panahong kayo muna yung nawalan para meron kami.

Noong bata kami, akala namin normal lang na laging may pagkain sa mesa, may taong maghihintay kapag uuwi kami, may yayakap kapag pagod na kami sa mundo. Pero habang lumalaki, doon namin naiintindihan na lahat ng ‘yon came from a love na hindi madaling pantayan.

Thank you for loving us kahit matigas ulo namin minsan. Thank you for believing in us kahit kami mismo nagdo-doubt sa sarili namin. At higit sa lahat, thank you for being our safe place in a world na sobrang gulo na minsan.

Hindi man namin masabi araw-araw, pero sobrang grateful kami sa inyo. Sana dumating din yung panahon na mabigay namin lahat ng deserve niyo.

Happy Mother’s Day. Mahal namin kayo nang higit pa sa kaya naming i-post online. 🌷

With all the love,
IMMA HOA AYLC at mga batang Abuyod

28/04/2026

🏆 PLAYERS OF THE GAME 🏆
📅 April 22, 2026

🔥 The spotlight belonged to these game-changers! With clutch plays, sharp ex*****on, and undeniable hustle, they rose above the competition and delivered when it mattered most.


&AYLCSportsLeague

🏀🔥

Part 2. Amelita
20/04/2026

Part 2.
Amelita

20/04/2026

From Abuyod with pride ✨🎓

Hindi lang pagtatapos—ito yung bunga ng puyat, tiyaga, at pangarap. Our AYLC Grade 6 graduates, G10 completers, and G12 graduates turned their milestone into a vibe—recreating Beauty and a Beat their own way.

This isn’t just a video. It’s proof na kahit saan ka magsimula, you can create something beautiful when you celebrate each other and your wins.

Para sa mga batang Abuyod—this is your beat, your moment. Keep dancing through every next chapter. 💫

Congratulations and we are all proud of you!

17/04/2026

Youth Cross Visit

Masayang araw mga batang Abuyod!

Uy, sandali lang—baka kailangan mo ‘to.

This April 19, 4PM, bibisita ang Youth Cross sa ating kapilya.
Hindi siya grand event, walang pressure… pero baka ito yung pahinga na hindi mo alam na kailangan mo.

May short sharing about World Youth Day, konting catechism, and time to just sit, pray, or even just be. The Cross will stay overnight, so pwede kang dumaan kahit kailan.

Minsan, ang dami nating dala—stress, doubts, pagod…
pero hindi naman kailangan na ikaw lang lagi.

Then next day:
5PM – Holy Mass bago siya umalis.

If you feel lost, tired, or kahit okay ka naman pero gusto mo lang ng tahimik na sandali… punta ka.
Walang expectations. Presence mo lang, sapat na.

See you! 🤍

22/03/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG TEAMS

🏀🏐 IMMA HOA & AYLC Sports League 2026(Basketball / Volleyball)

📅 March 21➡️ Deadline ng TEAM LOGO

📅 March 22 | 4:00 PM➡️ Finalization Meeting (Team Captains / Coaches)

📅 March 29 | 8:00 AM🎉 Opening Parade

👕 Uniform Concern:Makipag-coordinate na sa Q&A Printing

📌 *Please be guided accordingly.

Masayang araw mga batang Abuyod 🎉Hindi lang ito overnight seminar — overnight realization din. Noong March 5–6, 2026, sa...
05/03/2026

Masayang araw mga batang Abuyod 🎉

Hindi lang ito overnight seminar — overnight realization din.

Noong March 5–6, 2026, sa ginanap na seminar ng Municipal Anti-Drug Abuse Council sa Bakasyunan Resort and Conference Center, hindi lang tayo nakinig — kundi natuto, nag-reflect, at mas lalong na-realize kung gaano ka-importante ang role ng pamilya at komunidad sa pagprotekta sa kabataan laban sa ilegal na droga.

IMMA HOA Abuyod Youth Leaders Council is represented by our youth members, Angel Eloim at Angel Elijah Miclat — bringing the voice of our community and proving that the youth are not just participants, but partners in building a safer future.

This is more than awareness. It’s responsibility. It’s leadership. It’s choosing to stand up for what is right.

Sa dalawang araw na ‘to, mas naging malinaw: ang laban kontra droga hindi lang trabaho ng iilan — responsibility ito ng bawat isa sa atin. And as youth leaders, hindi tayo bystanders. We take part. We speak up. We lead.

Para sa mas ligtas na komunidad. Para sa mas matatag na pamilya. Para sa kabataan.

Address

Sitio Abuyod
Teresa
1880

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IMMA HOA Abuyod Youth Leaders Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share