31/12/2025
Hindi man siya humawak ng armas, binago niya ang takbo ng kasaysayan.🇵🇭🖋️
Ipinanganak si Dr. Jose Rizal noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna. Lumaki siya sa isang pamilyang pinahahalagahan ang edukasyon. Bata pa lamang, kapansin-pansin na ang kanyang talino—mahilig siyang magbasa, magsulat ng tula, at mag-aral ng iba’t ibang kaalaman.
Gamit ang talino, dinala niya ito sa labanan. Hawak ang pluma at papel, naging sandata niya ang mga akda niya laban sa mga Kastila.
Kawili-wiling katanungan tungkol kay Rizal: Ano ang buong pangalan ni Rizal at ilang wika ang kaya niyang isalita?
Alam mo ba ang sagot? Kung ganun, i-comment mo ito sa comment section! Kapag tama ang iyong kasagutan ay makakatanggap ka ng puso na reaksyon (❤️) at isang bati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon, mula sa puso ng Filipino Klab!❤️
🎨PubMat ni: Mj Gatdula, Tagapamahayag