09/01/2026
Did you know? Every January is officially Zero Waste Month! Small actions today can save our planet tomorrow. ๐
Join the movement this January: Zero Waste Month!
๐๐จ๐ก๐ง๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ง๐! ๐
Ngayong buwan ng Enero, kaisa ang Philippine Association of Environmental Science Students (PAESS) sa pagdiriwang ng ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐!
Sa pamamagitan ng ๐๐ณ๐ฐ๐ค๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐๐ฐ. 760, idineklara ang bawat buwan ng Enero bilang โ๐ก๐ฆ๐ณ๐ฐ ๐๐ข๐ด๐ต๐ฆ ๐๐ฐ๐ฏ๐ต๐ฉโ noong Mayo 5, 2014. Ang nasabing proklamasyon ay alinsunod sa ๐๐ฆ๐ฑ๐ถ๐ฃ๐ญ๐ช๐ค ๐๐ค๐ต 9003 ๐ฐ ๐๐ค๐ฐ๐ญ๐ฐ๐จ๐ช๐ค๐ข๐ญ ๐๐ฐ๐ญ๐ช๐ฅ ๐๐ข๐ด๐ต๐ฆ ๐๐ข๐ฏ๐ข๐จ๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ค๐ต ๐ฐ๐ง 2020 na naglalayon na mapalawak ang pangkapaligirang kamalayan ng mga mamamayan at mahikayat ang kanilang partisipasyon sa mga ibaโt ibang programa ukol sa ecological waste management.
Ang โzero wasteโ ay isang adbokasiya na isinusulong ang paggawa at maayos na pamamahala sa mga produkto at iba pang mga proseso para mabawasan ang mga basurang nakokolekta sa ibaโt ibang industriya. Nais nitong itaguyod ang pagkonserba at pagrekober ng mga resources, hindi ang pagtatapon ng mga ito sa mga maling lugar o pagsusunog sa mga ito. Hangad nito na magabayan ang mga mamamayan na baguhin ang mga nakasanayang gawi na nakakasira sa ating kalikasaan, bagkus ay simulan ang pagsasagawa ng sustainable na mga gawain katulad ng pagreresiklo.
Ang ๐๐ช๐ณ๐ค๐ถ๐ญ๐ข๐ณ ๐๐ค๐ฐ๐ฏ๐ฐ๐ฎ๐บ ay isa ring konseptong malaki ang maiaambag sa pamamahala ng mga basurang nakokolekta mula sa ibaโt ibang industriya. Ang modelong ito ay naglalayong mabago ang nakagawiang pagtatapon ng mga gamit kung ito ay nasisira na. Kahit sira o luma, sa pamamagitan ng ibaโt ibang stratehiya katulad ng pagkukumpuni at pagreresiklo, ang dating basura, ngayon ay mapapakinabangan pa!
Kaya, ngayong bagong taon, nawaโy masimulan natin paunti-unti ang pagsasabuhay ng prinsipyo ng โzero wasteโ at ganoon din ang unti-unting pagtangkilik sa konsepto ng circular economy!
Bilang mga mag-aaral ng Agham Pangkalikasan, kami ay patuloy na magiging kaisa sa pagsulong ng mga ibaโt ibang kilos-pangkaligiran, laloโt lalo na sa mga inisyatibang may layong mapangalagaan ang ating kapaligiran.
Lagi at laging para sa bayan, para sa kalikasanโpagsilbihan ang taumbayan!