Taytay Tayo

Taytay Tayo Welcome to Taytay Tayo! ๐Ÿงก
A student-led organization dedicated to promoting the culture, heritage, and destinations of Taytay, Rizal.

Explore local stories, hidden gems, and vibrant traditions with us! โœจ

02/06/2026

๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐—œ๐—ก ๐— ๐—ข๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก

Ating muling balikan ang makukulay at kahanga-hangang pagtatanghal mula sa konsiyerto ng INDAK Hamaka Dance Company at Indayog Kabataan Dance Troupe na pinamagatang โ€œ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ร— ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€ โœจ

Narito ang ilan sa mga sayaw na ating nakunan mula sa kanilang makabuluhang pagtatanghal.

Sa bawat galaw, tugtog, at kasuotan ay naipapakita ang mayamang kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan ng ating bansa. Tunay na kahanga-hanga ang husay, dedikasyon, at pagmamahal sa sining ng mga kabataang Taytayeรฑo. ๐Ÿ’ƒ

Nawaโ€™y magsilbing inspirasyon ang mga pagtatanghal na ito upang lalo pa nating pahalagahan at ipagmalaki ang ating mga tradisyon at pamana bilang mga Pilipino.

Patuloy nating ipagmalaki ang dangal ng ating kulturang hinubog ng mayamang kasaysayan at ipasa ito sa susunod na henerasyon. ๐Ÿงก






๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸงกKahapon, ika-31 ng Mayo 2026, masayang nakibahagi a...
01/06/2026

๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก

Kahapon, ika-31 ng Mayo 2026, masayang nakibahagi ang Taytay Tayo sa konsiyerto ng INDAK Hamaka Dance Company kasama ang Indayog Kabataan Dance Troupe na pinamagatang โ€œ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ร— ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ,โ€ na ginanap sa Kalayaan Park, Taytay, Rizal. โœจ

Ito ay may layuning mas makilala pa ng mga Kabataang Taytayeรฑo ang ating bayan, at iangat ang kanilang kamalayan sa ating mga natatanging pamana.

Nasaksihan natin ang makukulay na kasuotan, kahanga-hangang pagtatanghal ng mga tradisyunal na sayaw mula sa ibaโ€™t ibang panig ng bansa, at ang sigla at husay ng mga kabataang Taytayeรฑo. ๐Ÿ’ƒ

Buhay na buhay ang enerhiya ng mga mananayaw mula sa parehong dance company, at kitang-kita ang talento at dedikasyon ng ating mga kabataan. ๐Ÿ‘

Lubos ang ating pasasalamat sa INDAK Hamaka Dance Company, lalo na kay Sir Ces Salonga IV, sa pag-imbita sa Taytay Tayo at sa muling paggamit ng ating awitin bilang panimula ng kanilang konsiyerto.

Nagpapasalamat din tayo sa INDAK Hamaka Dance Company sa paggawad ng sertipiko ng pagpapahalaga bilang pagkilala sa ating matagumpay na kolaborasyon sa buong buwan ng Mayo.

Muli, maraming salamat INDAK Hamaka Dance Company sa kolaborasyong ito. Marami tayong natutunan, hindi lamang sa kasaysayan at ibaโ€™t ibang pook sa Taytay, kundi maging sa kahalagahan ng ating mga tradisyunal na sayaw Pilipino at sa pag-angat ng ating kamalayan sa ating mga natatanging pamana. ๐Ÿงก

Mga Taytayeรฑo, patuloy nating ipagmalaki ang dangal ng ating kultura na hinubog ng mayamang kasaysayan. Sama-sama nating ipasa sa susunod na henerasyon ang ating mahalagang pamana at itaguyod ang diwa ng Taytay para sa mas makulay at makabuluhang kinabukasan. ๐Ÿงก






๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ ๐‘ป๐’‚๐’“๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!Tar...
29/05/2026

๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐‘ป๐’‚๐’“๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!

Tara na mga Taytayeรฑos! ๐Ÿงก

Tayo ay sumuporta at makiisa sa darating na concert ng INDAK Hamaka Dance Company na pinamagatang ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Na may layuning mas makilala pa ng mga Kabataang Taytayeรฑo ang ating bayan, at iangat ang kanilang kamalayan sa ating mga natatanging pamana.

Ito po ay magaganap sa darating na ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ๐Ÿญ sa ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ. Maguumpisa po ang program sa ganap na ๐Ÿฒ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— .

Tara na! Ipagmalaki natin ang Dangal ng Ating Kulturang Habi mula sa Mayamang Kasaysayan, at ipasa sa susunod na henerasyon ang ating mayamang pamana! ๐Ÿงก

#๐™๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™‰๐™–๐™๐™–๐™ฉ๐™–๐™ ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™†๐Ÿ‘‘
#๐™๐™๐™š๐™„๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™†๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ๐Ÿ†๐Ÿ†๐Ÿ†
#๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™จ๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™ก๐™ค๐™ง๐™š๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š
#๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ช๐™™๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™š2015๐Ÿ’™๐Ÿ’›๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’œ

๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

๐‘ป๐’‚๐’“๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!

Inaanyayahan po namin kayong makiisa sa ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ๐—ฟ๐˜ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ. Layunin ng aming programa na mas makilala pa ng mga Kabataang Taytayeรฑo ang ating bayan, at iangat ang kanilang kamalayan sa ating mga natatanging pamana.

Inaanyayahan po ang lahat ng mga Taytayeรฑong may pagmamahal sa Sining, Kultura, at Pamana, na maging bahagi ng gawaing ito na makatutulong sa patuloy na pagtataguyod ng Sining at Kultura ng ating bayan.

Magaganap po ito sa darating na ๐—Ÿ๐—ถ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ผ, ๐— ๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ๐Ÿญ sa ๐—ž๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ฎ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ธ. Maguumpisa po ang program sa ganap na ๐Ÿฒ:๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฃ๐— .

Ang programang ito ay hatid ng Pamahalaang Bayan ng Taytay, sa pamumuno ni Mayor Allan Martine S. De Leon, MPA. , sa inisyatibo ni Ginoong Cesar C Salonga IV, Tagapayo ng IHDC at IKDT, Manila International Dance Festival, at JCI Taytay.

Tara na! Ipagmalaki natin ang Dangal ng Ating Kulturang Habi mula sa Mayamang Kasaysayan, at ipasa sa susunod na henerasyon ang ating mayamang pamana!

#๐™๐™ช๐™ฃ๐™–๐™ฎ๐™‰๐™–๐™๐™–๐™ฉ๐™–๐™ ๐™„๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™†๐Ÿ‘‘
#๐™๐™๐™š๐™„๐™‰๐˜ฟ๐˜ผ๐™†๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™˜๐™ฎ๐Ÿ†๐Ÿ†๐Ÿ†
#๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™ง๐™š๐™จ๐™จ๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™ก๐™ค๐™ง๐™š๐™€๐™ญ๐™ฅ๐™š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™˜๐™š
#๐™ˆ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฃ๐™œ๐™๐™–๐™ฎ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ช๐™™๐™Ž๐™ž๐™ฃ๐™˜๐™š2015๐Ÿ’™๐Ÿ’›๐Ÿ’šโค๏ธ๐Ÿ’œ

๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ ๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก๐‘ป๐’‚๐’“๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!Noong Biyernes, ika-...
25/05/2026

๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ง๐—”๐—ฌ ๐—ง๐—”๐—ฌ๐—ข ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ ๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก

๐‘ป๐’‚๐’“๐’‚ ๐’๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’Œ๐’Š๐’๐’‚๐’๐’‚๐’๐’Š๐’ ๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Ž๐’‚๐’š๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’ˆ ๐’Œ๐’–๐’๐’•๐’–๐’“๐’‚ ๐’‚๐’• ๐’‘๐’‚๐’Ž๐’‚๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ˆ ๐’ƒ๐’‚๐’š๐’‚๐’!

Noong Biyernes, ika-22 ng Mayo 2026, masayang nakibahagi ang Taytay Tayo sa workshop ng INDAK Hamaka Dance Company kasama ang Smile Barangay San Juan na pinamagatang โ€œ๐—›๐—”๐—•๐—œ ๐—ก๐—š ๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช: ๐—ง๐—›๐—˜ ๐—œ๐—›๐——๐—– & ๐—ฆ๐—บ๐—ถ๐—น๐—ฒ ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป ๐—๐˜‚๐—ฎ๐—ป ๐—™๐—ผ๐—น๐—ธ ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝโ€, bilang bahagi ng ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—›๐—ฒ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—ด๐—ฒ ๐— ๐—ผ๐—ป๐˜๐—ต, na ginanap sa Taytay Recreation Center, New Taytay Public Market, Brgy. San Juan. โœจ

Nakasaksi tayo ng masaya at masiglang dance workshop sa pangunguna ni SK Teacher Yna Colleen Olanday, na nagbahagi ng ilan sa mga fundamental dance steps. Samantala, sa pamumuno ni Kuya Ces, itinuro naman niya ang katutubong sayaw na Itik-Itik Sibonga.

Napakaganda at napakaimpormatibong dance workshop! ๐Ÿ’ƒ

Maraming salamat sa INDAK Hamaka Dance Company sa pag-imbita sa atin, gayundin sa mga SK ng Brgy. San Juan para sa matagumpay na programang ito.

Tara na! Ipagmalaki natin ang dangal ng ating kulturang hinabi mula sa mayamang kasaysayan at ipasa sa susunod na henerasyon ang ating mahalagang pamana!






๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸงกNgayong araw, muling nakisaya ang Taytay Tayo sa ikatlong araw ng workshop ng IND...
16/05/2026

๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฏ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก

Ngayong araw, muling nakisaya ang Taytay Tayo sa ikatlong araw ng workshop ng INDAK Hamaka Dance Company kasama ang Indayog Kabataan Dance Troupe na pinamagatang โ€œ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€ na ginanap sa Barangay San Juan. โœจ

Muli nating nasaksihan ang kahanga-hangang talento at husay ng mga kabataang Taytayeรฑo sa kanilang pagsasanay ng sayaw na Jota de Medellin, isang tradisyunal na sayaw Pilipino.

Kasabay nito, ipinakilala rin ng Taytay Tayo sa mga kabataang taga-Brgy. San Juan ang ating adhikain na ipagmalaki at mapanatili ang kasaysayan, kultura, at mga natatagong yaman ng ating bayan, Taytay, Rizal. Nagkaroon din tayo ng Q&A portion tungkol sa kasaysayan at ibaโ€™t ibang lugar sa Taytay. Sa tulong ni Sir Cesar Salonga IV, mas nadagdagan pa ang ating kaalaman tungkol sa ating bayan.

Namahagi rin tayo ng brochures na naglalaman ng maikling impormasyon tungkol sa kasaysayan at pista ng ating bayan, pati na rin ang ilan sa mga ipinagmamalaking lugar sa Taytay.

Nagkaroon din tayo ng booth sa tulong ng mga handmade items mula sa AIRA Stitches bilang suporta sa ating kampanya.

Muli rin nating nakasama ang Lakbayin, isang student-led organization na layuning mapreserba ang sinaunang Baybayin ng Pilipinas. Nasaksihan natin ang kanilang workshop tungkol sa kasaysayan ng Baybayin at kung paano ito isulat.

Lubos ang ating pasasalamat sa INDAK Hamaka Dance Company, lalo na kay Sir Cesar Salonga IV, para sa kolaborasyon at pag-imbita sa atin. Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta, bumili sa ating booth, at dumalo upang makisaya sa workshop.

Taos-puso rin tayong nagpapasalamat kay Bgry. San Juan SK Kagawad Ralph Malquez sa pagbisita at sa pamimigay ng plastic cup at sandok sa mga kabataan.

Nasa Day 3 na tayo mga Taytayeรฑos! Kaya tuloy-tuloy lang natin ang saya at pagdiriwang ng ating kultura! โœจ

Saang barangay naman kaya tayo susunod na makikisaya? ๐Ÿ‘€
Abangan!

Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng Taytay! ๐Ÿงก





16/05/2026

Happy Fiesta, San Isidro Labrador! ๐ŸŒพ ๐ŸŒพ

Maraming salamat po INDAK Hamaka Dance Company sa muling pagbibigay-buhay sa ating awitin! ๐Ÿงก๐Ÿงก๐Ÿงก

๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸงกNgayong araw, muling nakisaya ang Taytay Tayo sa ikalawang araw ng workshop ng IN...
09/05/2026

๐—ง๐—ฎ๐˜†๐˜๐—ฎ๐˜† ๐—ง๐—ฎ๐˜†๐—ผ ๐—ฎ๐˜ ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—” ๐——๐—ฎ๐˜† ๐Ÿฎ! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿงก

Ngayong araw, muling nakisaya ang Taytay Tayo sa ikalawang araw ng workshop ng INDAK Hamaka Dance Company kasama ang Indayog Kabataan Dance Troupe na pinamagatang โ€œ๐—›๐—”๐—•๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—ก๐—”: ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐—œ๐—›๐——๐—– ๐˜… ๐—œ๐—ž๐——๐—ง ๐—ช๐—ผ๐—ฟ๐—ธ๐˜€๐—ต๐—ผ๐—ฝ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒโ€ na ginanap sa Barangay Sta. Ana. โœจ

Nasaksihan natin ang kanilang inihandang sayaw na Manlambus, isang tradisyunal na sayaw mula sa Escalante, Negros Occidental. Tunay na kahanga-hanga ang ipinakitang talento at husay ng mga kabataang Taytayeรฑo.

Kasabay nito, ipinakilala rin ng Taytay Tayo sa mga kabataang taga-Brgy. Sta. Ana ang ating adhikain na ipagmalaki at mapanatili ang kasaysayan, kultura, at mga natatagong yaman ng ating bayan, Taytay, Rizal. Nagkaroon din tayo ng Q&A portion tungkol sa kasaysayan at ibaโ€™t ibang lugar sa Taytay. Sa tulong ni Sir Cesar Salonga IV, mas nadagdagan pa ang ating kaalaman tungkol sa ating bayan.

Namahagi rin tayo ng brochures na naglalaman ng maikling impormasyon tungkol sa kasaysayan at pista ng ating bayan, pati ang ilan sa mga lugar na ipinagmamalaki ng Taytay.

Nagkaroon din tayo ng booth sa tulong ng mga handmade items mula sa AIRA Stitches, na nagsisilbing suporta sa ating kampanya.

Nakasama rin natin ang Lakbayin, isang student-led organization tulad natin na naglalayong mapreserba ang sinaunang baybayin ng Pilipinas. Nasaksihan natin ang kanilang workshop tungkol sa kasaysayan ng Baybayin at kung paano ito isulat.

Lubos ang ating pasasalamat sa INDAK Hamaka Dance Company, lalo na kay Sir Cesar Salonga IV, para sa kolaborasyon at pag-imbita sa atin. Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta, bumili sa ating booth, at dumalo upang makisaya sa workshop. Taos-puso rin tayong nagpapasalamat kay Smile Kabataang Sta. Ana Chairperson Sane Cruz Yasoรฑa sa pagbisita at suporta sa ating booth.

Day 2 pa lamang ito, kaya tuloy-tuloy na natin ang saya at pagdiriwang ng ating kultura! โœจ

Saang barangay naman kaya tayo susunod na makikisaya? ๐Ÿ‘€
Abangan!

Sama-sama nating itaguyod ang diwa ng Taytay! ๐Ÿงก





06/05/2026

Isang malaking pagbati sa matagumpay na pagbubukas ng Antipolo Pilgrimage Season 2026! ๐ŸŽ‰๐Ÿ™

Lubos na nagpapasalamat ang Taytay Tayo sa pagkakataong maging bahagi ng napakagandang kolaborasyon na ito. Tunay na kahanga-hanga ang INDAK Hamaka Dance Company, buhay na buhay ang enerhiya, galaw, at ngiti ng bawat isa! ๐Ÿ’ƒ๐Ÿงก

Maraming salamat sa pagbibigay-buhay sa aming awitin sa isang makabuluhang okasyon. Patuloy nating ipagmalaki ang ating kultura at komunidad!

Mayo na sa Antipolo! Tayo na! โœจ

Address

Taytay, Rizal
Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taytay Tayo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share