SAES Soundstrike Drum and Lyre Corp.

SAES Soundstrike Drum and Lyre Corp. Saes Soundstrike - Beats of Passion. March of Pride

24/02/2026

BEST IN MUSICALITY — STA. ANA ELEMENTARY SCHOOL! 🎖
🥁🎶✨

Mahigit isang dekada na panahon ang lumipas bago muling tumibok ang puso ng Drum and Lyre ng Sta. Ana Elementary School.

Marami ang nagsabing mahirap na itong ibalik. Marami ang nagduda. Pero mas pinili naming maniwala.

Sa tulong ng Diyos, sa lakas ng loob, at sa pusong hindi sumusuko muli namin itong binuo.
Bawat ensayo ay may kasamang panalangin.

May mga miyembrong dumadayo pa sa Minor Basilica of the Black Nazarene upang ipagdasal ang aming grupo.🙏🥹

Sa bawat kaarawan ng miyembro, iisa ang hinihiling “Sana po manalo ang aming Drum and Lyre.”🙏🙏🙏
Hindi naging madali ang lahat. May pagod. May sakit ng katawan. May kaba bago umakyat sa entablado. May takot na baka hindi sapat ang aming galing.

Pero pinili naming lumaban.
At sa gitna ng lahat ng iyon, may himalang dumating…
🎖 BEST IN MUSICALITY — STA. ANA ELEMENTARY SCHOOL!
Salamat po Panginoon🙏

Isang tawag na tumagos sa puso.
Isang parangal na hindi namin inaasahan, pero taimtim naming ipinagdasal. Sa sandaling iyon, lahat ng pagod napalitan ng luha ng tuwa. Lahat ng sakripisyo naging sulit.

Ngunit higit pa sa tropeo, ang tunay naming napanalunan ay ang pagkakaisa. Ang tapang. Ang disiplina. Ang paniniwala sa sarili. Natutunan naming kapag sama-sama, walang imposible.
🥁🎶✨
Kaya sa mga batang nagdadalawang-isip pa… ito na ang pagkakataon ninyo.
Sumali ka. Lakasan mo ang loob mo. Baka ikaw na ang susunod na tutugtog ng panalo. Baka ikaw ang susunod na magdadala ng karangalan sa ating paaralan. Hindi mo malalaman ang kaya mo hangga’t hindi mo sinusubukan.
Ang Drum and Lyre ay hindi lang grupo
ito ay pamilya. Ito ay pangarap. Ito ay patunay na kapag may pananampalataya at determinasyon, kayang bumangon at magtagumpay.

Halina at maging bahagi ng kasaysayan.
Ang tagumpay na minsang nawala ngayon ay muling nabuhay.😍🫶

At mas lalo pa nating pag-iingayin ang pangalan ng Sta. Ana Elementary School...

16/02/2026
16/02/2026

Address

Taytay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAES Soundstrike Drum and Lyre Corp. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share