27/07/2026
🎉 52ND NUTRITION MONTH CELEBRATION 2026 🥦🥕🌽
Matagumpay na naisagawa ang ating pagdiriwang ng Nutrition Month sa Barangay Calawag ngayong araw, Hulyo 27, 2026!
Sa ilalim ng temang:
👉 "Nutrisyon at Kalikasan ating Pangalagaan."
Nagsimula ang ating aktibidad sa isang masiglang Parade mula Garmarcha Store (Purok Delmar) patungo sa ating Barangay Covered Court. Tampok din sa ating programa ang malikhaing pagpapakita ng mga sariwang gulay, prutas, at mga produktong mula sa ating sariling komunidad katulad ng "Caroroy Farmville" at iba pa!
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa—sa mga opisyal ng barangay, ERPAT Chapter Del-Monte, ERPAT Chapter Caroroy, ERPAT Chapter Bagong Silang, Barangay Health Workers, Kalipi at sa ating buong mamamayan ng Calawag na patuloy na sumusuporta sa kalusugan at pangangalaga sa ating kalikasan.
Maging malusog at alagaan ang ating kalikasan! 💚🌾