SMTE - Youth Organization

SMTE - Youth Organization Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from SMTE - Youth Organization, Nonprofit Organization, Tibagan Ext. Brgy. Dolores, Taytay.

🌸 INTERNATIONAL WOMEN’S MONTH | SMTE YOUTH ORGANIZATION 🌸This month, we honor brave Filipina women who stood — and conti...
01/03/2026

🌸 INTERNATIONAL WOMEN’S MONTH | SMTE YOUTH ORGANIZATION 🌸

This month, we honor brave Filipina women who stood — and continue to stand — for human rights, youth empowerment, truth, and justice.

We recognize the courage and contributions of:

• Lorena Barros
• Amanda Echanis
• Frenchie Mae Cumpio
• Renee Louise Co
• Judy Taguiwalo
• Etta Rosales
• Sarah Elago
• Lualhati Bautista
• Maria Ressa
• Monique Wilson

Their voices remind us that young people have power. That women have power. That truth has power.

As youth, we commit to continuing the fight for equality, education, human rights, and genuine representation.

BABAE. KABATAAN. LUMALABAN. ✊🌺

❤️ VALENTINES COMMUNITY GATHERING“pag-ibig sa bayan, kurapsyon wakasan”organized by SMTE YOUTH📅 FEBRUARY 21, 2026📍 TIBAG...
21/02/2026

❤️ VALENTINES COMMUNITY GATHERING

“pag-ibig sa bayan, kurapsyon wakasan”
organized by SMTE YOUTH

📅 FEBRUARY 21, 2026
📍 TIBAGAN EXT., BRGY. DOLORES, TAYTAY, RIZAL

isang hapon ng tawanan, palaro, sayawan, at tunay na pagkakaisa! 💫 sa bawat ngiti at simpleng kilos, pinatunayan ng KABATAAN na ang pag-ibig ay hindi lang para sa kilig o sa isang tao… kundi para rin sa ating bayan. 💪

ito rin ay paalala na kahit maliit na pagtutol sa mali, malasakit sa kapwa, at pagtulong sa isa’t isa ay may malaking epekto sa kinabukasan ng bawat kabataan sa paligid natin. 🙌

isang taos-pusong PASASALAMAT sa SMTE HOA at sa TUPA, sa walang sawang suporta at pagtutulungan. tunay na tagumpay ito ng kabataang makabayan! ❤️

📸 ilang sandaling puno ng saya, pagkakaisa, at pagmamalasakit — mga alaala na mananatili sa ating puso. 💛



✨ smte youth presents: pag-ibig sa bayan, kurapsyon wakasan ✨this february, let’s celebrate love in all its forms—not ju...
02/02/2026

✨ smte youth presents: pag-ibig sa bayan, kurapsyon wakasan ✨

this february, let’s celebrate love in all its forms—not just for each other, but for our bayan.

join us on february 21, 2pm, at tibagan extension, barangay dolores, taytay, rizal for an afternoon of fun, games, music, and advocacy. 🎨🎶🎉

through creative art, interactive booths, and community activities, we’ll show that true love is not just for people—it’s for our community, our environment, and our future. 🌱💌

📌 activities include:

• photo booth & face painting
• fun games like pahabaan, agawan buko, paper dance, and more
• song requests and jamming sessions
• group photo with advocacy placards to show your love for our bayan 💪

let’s make a stand against corruption and show that we care about a better future for our community—one laugh, one song, and one creative stroke at a time. 🎨✨

come, bring your friends, your smiles, and your heart for our bayan! 💙

✨ ang unang major event project ng SMTE YOUTH — ang ating HALLOWEEN PARTY na may temang “kabataan: bigyang liwanag ang m...
31/10/2025

✨ ang unang major event project ng SMTE YOUTH — ang ating HALLOWEEN PARTY na may temang “kabataan: bigyang liwanag ang madilim na bukas.” 🎃🌙

ginanap noong OCTOBER 31, 2025 sa TIBAGAN EXT., BRGY. DOLORES, TAYTAY, RIZAL, isang gabi ng saya, kulay, at pagkakaisa! 💫

sa tawanan, palaro, musika, at pagtutulungan, pinatunayan ng KABATAAN na kaya nating maging liwanag sa kabila ng dilim. 💡 paalala ito na sa ating henerasyon nakasalalay ang pag-asa ng mas maliwanag na kinabukasan — sa bawat hakbang, ngiti, at pagkilos. 🙌

isang malaking PASASALAMAT sa SMTE HOA at mga komite nito (MEMBERSHIP, HEALTH, FINANCE, EDUCATION, GRIEVANCE, SPORTS, at T.K.), sa TUPA, at sa ating LGUs sa walang sawang suporta at pagtutulungan. tunay na tagumpay ito ng ating lahat! ❤️

📸 narito ang ilan sa mga di malilimutang sandali mula sa ating nakakatakot pero makabuluhang selebrasyon! 🖤

maglaan tayo ng ilang sandali upang ipanalangin ang ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol...
10/10/2025

maglaan tayo ng ilang sandali upang ipanalangin ang ating mga kababayan na labis na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol nitong mga nakaraang araw — lalo na sa mga lugar ng cebu, bogo, benguet, at davao region. sa mga oras na ito, nawa’y maging isa ang ating mga puso sa malasakit, pag-asa, at pananampalataya.

panalangin para sa mga biktima ng lindol
mula sa smte youth

aming mapagmahal na diyos,
lumalapit kami sa iyo ngayon dala ang bigat ng aming puso. idinadalangin namin ang aming mga kababayan sa cebu, bogo, benguet, at davao region na labis na naapektuhan ng lindol. ikaw lamang po ang aming sandigan sa gitna ng takot, pangamba, at kawalan. yakapin mo sila ng iyong pag-ibig, at iparamdam mo sa kanila na hindi sila nag-iisa.

panginoon, sa mga nawalan ng tahanan, maging kanlungan ka nila. sa mga nawalan ng mahal sa buhay, maging ginhawa ka sa kanilang mga puso. at sa mga sugatan, ibuhos mo ang iyong kagalingan at lakas upang sila’y muling makabangon.

jesus, pagpalain mo rin ang mga rescuer, boluntaryo, at lahat ng tumutulong. bigyan mo sila ng tapang, lakas, at proteksyon sa bawat hakbang. gamitin mo ang kanilang mga kamay upang maging daluyan ng iyong awa at biyaya.

banal na espiritu, hipuin mo ang aming mga puso. turuan mo kaming maging instrumento ng pag-asa — na sa gitna ng unos, kami ay maging liwanag para sa isa’t isa. tulungan mo kaming magkaisa, magdamayan, at magtiwala na sa bawat pagyanig ng lupa, may bagong pag-asa kang inihahanda.

at diyos, sa lahat ng ito, itinataas namin sa iyo ang aming bansa. patatagin mo kami, hindi lamang sa aming mga tahanan kundi sa aming pananampalataya. sapagkat alam naming kahit gaano kalakas ang pagyanig, kailanman ay hindi matitinag ang iyong pag-ibig.

sa pangalan ni jesus,
amen. 🙏🏻


malaking pasasalamat sa Municipal/LGU ng Taytay, Rizal at sa TUPA (Taytay Urban Poor Alliance) sa suporta at pagtitiwala...
20/09/2025

malaking pasasalamat sa Municipal/LGU ng Taytay, Rizal at sa TUPA (Taytay Urban Poor Alliance) sa suporta at pagtitiwala. 🙏💚

kasama ang mga kabataan ng SMTE Youth, sama-sama nating pinatunayan na ang pagbabago ay nagsisimula sa maliliit na hakbang—tulad ng paglilinis ng ating komunidad. 🧹🌍

"ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at ang munting pagkilos ngayon ay nagiging malaking ambag para sa bukas." ✨

Address

Tibagan Ext. Brgy. Dolores
Taytay

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SMTE - Youth Organization posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share