07/10/2026
Pormal nang binuksan at itinatag ang ating bagong Church sa Naga, Bicol! Isang dakilang araw ng pagpupuri, pasasalamat, at pananampalataya ang ating naranasan habang sama-samang ipinagdiriwang ang panimula ng bagong kabanatang ito para sa komunidad.
Ang tagumpay na ito ay naging posible sa pamamagitan ng biyaya ng Panginoon, at sa matibay na pakikipagtulungan at pagkakaisa ng ROCM Church Glendale at Adiangao, Kalingap Faith in Care Agri-Coop at ng Reaching Hands Phils.