18/09/2026
Ang Montalban (Rodriguez), Rizal ay matinding naapektuhan ng mga nagdaang serye ng malalakas na ulan at pagbaha nitong huling bahagi ng Agosto. Marami sa ating mga Bountiful recipients ang nakaranas ng hirap at pangambang dulot ng baha.
Isa na rito si Jona, isang ina. Sa panahon ng baha, mahirap para sa isang ina ang lumikas kasama ang mga anak. Sa evacuation area, karton lamang ang kanilang hinihigaan, at nagkaroon pa ng lagnat, ubo, at sipon ang pamilya.
“Ang tanong ko, hanggang kailan pa kaya kami magiging ganito?” Sa kabila ng lahat, may pangarap si Jona—makapag-ipon para makabili ng sariling lupa na hindi binabaha, upang magkaroon ng mas ligtas at magandang buhay ang kanyang mga anak.
Ang kuwento ni Jona ay paalala na sa likod ng bawat pangalan sa ating listahan ay isang pamilya, isang ina, at mga pangarap para sa kanilang mga anak.
Sa Bountiful Children’s Foundation Philippines, patuloy naming sinisikap na maabot at masuportahan ang mga pamilyang nangangailangan—hindi lamang sa panahon ng sakuna, kundi sa kanilang patuloy na paglalakbay at pakikibaka tungo sa mas malusog na kinabukasan.
💙 SUPPORT OUR MISSION
📱 Donate via GCash Bills Payment
Go to Bills ➡️ Others ➡️ Letter B ➡️ Bountiful Children’s Foundation Philippines
🏦 Bank Transfer via Security Bank
Account Name: Bountiful Childrens Foundation Philippines Inc.
Account Number: 0000074548822
📱 You may also scan our Security Bank QR Code
📧 [email protected]
📱 0977 660 8339
🌐 bountifulchildren.org/philippines/
🎁 We also accept in-kind donations such as rice, milk, nutritious food, school supplies, hygiene kits, story and activity books, and other essential items for our recipients.
Please SHARE to help us reach more families. 💙