21/08/2024
๐ฃ๐๐๐๐จ๐ก๐๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐๐๐๐ฅ๐๐ฌ๐ก๐ ๐ก๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐ฅ๐๐๐ก๐ ๐ ๐๐ฅ๐๐
Ang pagkareyna ng Mahal na Birheng Maria ay makikita sa Banal na Kasulatan. Sa pagpapahayag ng Anghel Gabriel ng Mabuting Balita, kaniyang binanggit na si Maria ay magiging ina ng Mesias na magmumula sa linya ng Haring David. Sa Lumang Tipan mababasa ang impluwensya at katungkulan ng Inang Reyna sa Korte ng Hari.
Noong ikaapat na siglo, tinawag ni San Efren si Maria bilang Reyna na siyang ginamit ng mga sinaunang mga pari at pantas ng Simbahan. Ang paggunita ng Pagkareyna ng Mahal na Birhen ay sinimulan noong 1954 ayon sa utos ni Papa Pio XII; tuwing ika-22 ng Agosto sa Oktaba ng Dakilang Kapistahan ng pag-akyat sa kaniya sa langit.
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
Ama naming makapangyarihan,
ginawa mong aming maging Ina at Reyna
ang nagsilang sa iyong Anak.
Ipagkaloob mong kaming
lubos niyang idinadalangin
ay makarating nang maluwalhati
sa iyong paghahari sa iyong mga supling
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Amen.
๐ ๐๐๐ง๐๐, ๐๐๐ฎ๐ฃ๐ ๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฉ ๐๐ฉ ๐ก๐ช๐ฅ๐, ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐ ๐๐ข๐