31/12/2025
Year End Thanksgiving Celebration | December 30, 2025
“Sa pagtatapos ng taon, aming ipinagdiwang ang diwa ng pasasalamat sa pamamagitan ng Year End Thanksgiving Celebration. Isa itong makabuluhang programa ng Pag-asa Youth Association of the Philippines – Barangay Sta. Ana Chapter na naglalayong magbahagi ng biyaya, malasakit, at pag-asa sa ating mga kababayan na tunay na nangangailangan. 🤍✨
Sa simpleng pamamahagi ng grocery packs, naipakita ng aming samahan ang diwa ng pagkakaisa at bayanihan. Ang aktibidad na ito ay matagumpay na naisagawa sa iba’t ibang lugar, kabilang ang J. De Leon, Highway 2000, Dupax 1, Dupax 2, Dupax 3 & 4, Ilang Ilang at Fermina Compound. Sa bawat lugar na aming napuntahan, aming nadama ang kahalagahan ng pagtutulungan at malasakit sa kapwa.
Hindi man kalakihan ang aming naibahagi, ito ay nagmula sa pusong nagpapasalamat sa lahat ng biyayang aming tinanggap ngayong taon. Patuloy ang aming paniniwala na ang kabataan ay may mahalagang papel sa paglilingkod sa komunidad at sa pagbibigay-liwanag sa pag-asa ng bawat pamilya.
Kami po ay bukas sa mga donations at sponsorship para sa mga susunod pa naming programa at aktibidad. Ang inyong tulong, maliit man o malaki, ay malaking hakbang upang mas marami pa kaming maabot at matulungan.
Maraming salamat sa lahat ng miyembro, volunteers, at sumuporta sa Pag-asa Youth Association of the Philippines – Barangay Sta. Ana Chapter. Sama-sama tayong magpasalamat, magbahagi, at magbigay-pag-asa sa darating na bagong taon.”