Makatang Bedista

Makatang Bedista Ang Makatang Bedista ay rehistradong organisasyon ng San Beda University Rizal.

Mainit na Pagbati sa mga miyembro ng Makatang Bedista na nagtapos ng kanilang Senior High School ngayong araw.Padayon! 🦁...
28/06/2023

Mainit na Pagbati sa mga miyembro ng Makatang Bedista na nagtapos ng kanilang Senior High School ngayong araw.

Padayon! 🦁

Publication Material: Behil, John Benedict G. at Olesco, Gabrielle Phoebe

Kapihang Bedista: Muling Paghahandog ng Talento at Sama-Samang Pananampalataya kay Sto. NiñoSa muling pagbabalik ng Kapi...
27/01/2023

Kapihang Bedista: Muling Paghahandog ng Talento at Sama-Samang Pananampalataya kay Sto. Niño

Sa muling pagbabalik ng Kapihang Bedista bilang bahagi ng pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño sa San Beda ngayong taon, napuno ng saya ang buong Senior High School unit sa ipinamalas na husay ng mga nagtanghal sa sining ng pagbigkas, pag-awit, at pagganap.

Nais pasalamatan ng organisasyon at mga namahala ang lahat ng mga naging katuwang upang maging matagumpay ang pagdaraos ng programa.

Hanggang sa muling pagbubukas ng kapihan! ☕


TARA, KAPE!Ang lahat ay iniimbitahan sa pagbubukas ng paboritong kapihan ng bayan, ang Kapihang Bedista sa Pista ng Sto....
26/01/2023

TARA, KAPE!

Ang lahat ay iniimbitahan sa pagbubukas ng paboritong kapihan ng bayan, ang Kapihang Bedista sa Pista ng Sto. Niño 2023.

Magkita-kita po tayo sa 2nd floor ng SHS building, tapat ng STEM classrooms.

Tara na't namnamin ang bawat salitang bibigkasin, pakinggan ang mga tinig na nakahuhumaling habang hinihigop ang inyong kape. ☕

Viva, Viva, Viva Sto. Niño! 🎉

26/01/2023

Handa ka na ba?

Buksan ang mga mata at talasan ang mga tenga dahil narito na ang pinakahihintay ninyong Kapihang Bedista! ☕️✨

Pagbati! Sa tagal ng ating 'di pagkikita, hindi maitatago't maipagkakaila na tayo ay sabik na sabik nang muling masaksihan ang bawat talento ng ating mga kapuwa Bedista!

Inihahandog ng Makatang Bedista, katuwang ang KATAFIL, ang mga natatanging husay at angking galing ng mga Bedista bukas, Enero 27, 2023 sa ikalawang palapag, harap ng silid ng STEM. Halina’t dumalo at suportahan ang bawat talentong tiyak na tatatak sa inyong mga puso!

Sa pagguhit ng ngiti sa aming mga labi, buong puso namin kayong iniimbitahan upang magbigay-pugay sa mahal na Sto. Niño at suportahan ang Kapihang Bedista!

Kitakits! 🎤

Viva, Viva, Viva Sto. Niño!

Halina’t ipakita ang iyong talento sa nalalapit na pagbabalik ng Kapihang Bedista 2023! 🎤☕️🎶Nais mo bang ibahagi ang iyo...
10/01/2023

Halina’t ipakita ang iyong talento sa nalalapit na pagbabalik ng Kapihang Bedista 2023! 🎤☕️🎶

Nais mo bang ibahagi ang iyong talento sa pag-awit, pagganap, o pagtula? O 'di kaya naman ay nais mong magpasaya at magtanghal para sa komunidad ng San Beda? Kung oo, huwag nang mag-atubili pa dahil ito na ang tamang panahon upang maihandog ang iyong talento!

Iniimbitahan ng Makatang Bedista, katuwang ang KATAFIL, ang buong Senior High School ng San Beda University Rizal na ibahagi ang inyong mga talento katulad ng pag-awit at pagtula na gaganapin sa pagdiriwang ng Pista ng Sto. Niño 2023.

Bukas ang Kapihang Bedista para sa lahat ng mga kasapi ng Senior High School Unit, maging sa mga kawani, g**o, at mga administrador. Maaaring magtanghal nang indibiduwal o grupo ang mga nais lumahok sa nasabing programa.

Para sa iba pang mga detalye, pakibasa ang opisyal na publication material ng Kapihang Bedista ⬇️

Pindutin ang link para sa rehistrasyon:
https://forms.office.com/r/Rx2YazsmKV

Maraming salamat!


"Isalaysay mo sa akin kung paanong lumipas sa iyo ang maghapon. Marinig ko lamang ito sa iyong mga labi ay para na rin a...
25/10/2022

"Isalaysay mo sa akin kung paanong lumipas sa iyo ang maghapon. Marinig ko lamang ito sa iyong mga labi ay para na rin akong nakipagsaya sa inyo."
-Elias (Noli Me Tangere)

Mabuhay!

Isa ka bang hopeless romantic na dinadaan sa mga salita ang iyong nadarama? Mahilig ka bang tumula, kumatha ng iba’t ibang sining o ‘di kaya ay kumanta? Kung oo, ito na ang organisasyong bagay na bagay sa iyo, tara na sa Makatang Bedista!

Sabay-sabay nating tuklasin ang natatagong Elias, Ibarra, Maria Clara, Sisa, o maging si Klay sa iyong pagkatao. Ipamalas na sa komunidad ang natatangi mong talento!

Bukas, Oktubre 26, ay opisyal ka naming iniimbitahang makiisa sa pamilya ng Makatang Bedista!
Huwag kang mawawala ha? Tara na!

Address

Havila Subdivision
Taytay
1870

Opening Hours

Monday 7:05am - 5pm
Tuesday 7:05am - 5pm
Wednesday 7:05am - 5pm
Thursday 7:05am - 5pm
Friday 7:05am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Makatang Bedista posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Makatang Bedista:

Share