31/08/2026
𝗠𝗮𝘀𝗶𝗽𝗮𝗴, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗠𝗮𝗵𝘂𝘀𝗮𝘆, 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼! 𝗧𝗮𝗮𝘀-𝗡𝗼𝗼! 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗲ñ𝗼! ✨🙌
Sa huling araw ng Agosto, ang buwan na inilaan para sa pagdiriwang at pagkilala sa kahalagahan ng kabataan, muli nating binabalikan ang mga makulay, makabuluhan, at hindi malilimutang pangyayari sa ating 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 sa Bayan ng Taysan.
Mula sa bawat programa, kompetisyon, pagtitipon, hanggang sa bawat tagumpay na ating pinagsaluhan, tunay na ipinakita ng Kabataang Tayseño ang 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮, 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼, 𝘁𝗮𝗹𝗶𝗻𝗼, 𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁. Ang bawat aktibidad ay hindi lamang naging bahagi ng isang selebrasyon, kundi naging patunay ng kakayahan ng kabataan na makiisa, manguna, at maging mahalagang bahagi ng pag-unlad ng ating bayan. 🙌
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito. Sa ating mga kabataang buong husay at pusong nakiisa, sa mga 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹𝘀, mga magulang, g**o, kawani ng pamahalaan, partner agencies, at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa mga adhikain para sa Kabataang Tayseño.
Ang 𝗠𝘂𝗻𝗶𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝟮𝟬𝟮𝟲 ay maaaring natapos na, ngunit ang mga aral, alaala, pagkakaibigan, at inspirasyong nabuo nito ay mananatiling bahagi ng ating paglalakbay.
Higit sa lahat, muli nating pinatunayan na ang kabataan ng Taysan ay hindi lamang 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻, kundi 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝘂𝗸𝘂𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴-𝘂𝗻𝗹𝗮𝗱. ✨
Sa pagtatapos ng Buwan ng Kabataan, baunin natin ang lahat ng magagandang alaala at patuloy nating isabuhay ang diwa ng pagkakaisa at aktibong pakikilahok.
𝗠𝗮𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝘆𝘀𝗲ñ𝗼! 💚✨
#𝗦𝗞𝗧𝗮𝘆𝘀𝗮𝗻
#𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻
#𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼𝗡𝗴𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻𝟮𝟬𝟮𝟲